Single Blog

May Commitment Ka Ba O Wala?

NAPAKABILIS MAGBIGAY NG COMMITMENT PERO NAPAKAHIRAP MAGING COMMITTED

Ano-ano ang mga commitments na meron ka sa buhay mo ngayon?

Naka-commit ka ba???
…sa isang tao?
…na mag-attend ng isang event?
…na maglaro with your friends?
…na magbigay ng financial help?
…na tapusin ang isang bagay?
…na tumupad sa isang pangako o kasunduan?
…na sumama sa family reunion?

We all have commitments.
Minsan, madaling tumupad sa commitment. Pero minsan, mahirap maging committed. We struggle to fulfill our commitments when we encounter conflicts, challenges, and other negative situations.

For example, in marriage, we are committed to love our spouse for the rest of our lives. Sa mga unang taon ng pagsasama, sa honeymoon season, madali ito at kayang-kaya pa natin. Pero habang nagtatagal, naglabasan na ang mga conflicts, complications, and problems. Doon na nasusubok ang tibay ng ating commitment. Ang masaklap pa dito, marami ang bumibitaw at nauuwi sa hiwalayan.

How does a commitment look like?

Manalo o matalo, committed ka.
Sa hirap o ginhawa, committed ka.
Rain or shine, committed ka.
Sa lungkot at saya, committed ka.
Hanggang sa huling hininga at pagtibok ng puso mo, committed ka.
Kahit anong sabihin ng iba, committed ka.
Walang makakapigil at makakaawat sa’yo.
Kahit masaktan ka, sige lang, committed ka pa rin.
Lalanguyin ang dagat, aakyatin ang kabundukan, tatawirin ang himpapawid.

Ito ang totoong commitment.

Kaya kapatid, let me challenge you today.
If you are in doubt, continue to believe.
If you are getting tired, take a break.
If you feel like giving up, don???t stop.
If you are feeling disappointed, pray!

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you committed?
What commitments do you have right now?
What are your struggles when it comes to fulfilling your commitments?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link