Are you going through tough times lately?
Do you feel like calling it quits?
“Ahhh! Ayoko na Chinkee!”
Ito yung mga bagay na sadyang hindi natin minsan maintindihan.
Effort na effort na tayo pero parang walang nangyayari. Ayaw na lang natin ituloy kasi feeling natin na…
Marereject nanaman…
Babagsak nanaman…
Mababaon nanaman…
Sa mga challenges tulad nito, nasa sa atin kung paano natin ito haharapin.
You and I need to understand that…
EVERYTHING IS TEMPORARY
Wala namang pagsubok na hindi natatapos. Kung may hindi man tayo nagugustuhan o hindi pa nakakamit sa buhay natin, hindi ibig sabihin na end of the road na.
Meron pang bukas para:
Kumilos.
Magdesisyon.
Magpalit ng strategy.
Magplano.
Tignan kung anong kulang o mali.
Kaya wag kang panghihinaan ng loob.
Makakarating ka rin doon.
FOCUS ON THE GOAL
…and not on the problems.
Ano ibig kong sabihin?
“HINDI AKO MAKAPAG-IPON, paano ako makakabayad ng utang?”
Vs “MAKAKABAYAD AKO NG UTANG kaya mag-iipon ako.”
Notice the difference? Napapansin lang natin parati yung problema, yung hirap, at pagod, kaya mabilis tayo mainip.
Try to tweak the way you view the problem. Keep your eyes on the prize para kahit ano pang danasin natin along the way, “yakang-yaka” at walang makakapigil.
TRUST GOD
For Him, there’s no such thing as wrong timing.
Lahat ng nangyayari ay planado at may dahilan. Maiintindihan lang natin ito if we let Him control our lives. What we can do is to ask for guidance para lahat ng ating desisyon at kilos ay naaayon sa kanyang kagustuhan.
“TOUGH TIMES DON’T LAST, BUT
TOUGH PEOPLE DO”
-Anonymous
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka nawawalan ng pag-asa?
- Dahil ba dito, hindi mo matuloy tuloy ang gusto mong gawin sa buhay?
- Dahil ba dito, wala ka ng gana?
- Anong pwede mong gawin para manumbalik ang tiwala mo sa sarili mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.