May mga kakilala ba kayong mga taong na hindi marunong mag salamat?
Ito yung tipo ng mga taong hirap magsabi ng “Thank You.”
Tinulungan at binigyan mo na nga, pero deadma lang.
Minsan parang utang na loob mo pa ang pagtulong mo at pagbigay ng biyaya sa kanila.
Well, kung ano mang ang kanilang hugot, wala na tayong magagawa. Ang mahalaga na hindi tayo matulad sa kanila.
Alam niyo ba ang mga taong marunong magpasalamat ay mas lalo pang pinag-papala?
Kung ihahambing natin ito sa ating buhay, minsan meron tayong nabibigyan ng regalo na labis-labis ang pag-papasalamat at pagtanaw ng kanilang kasiyahan sa buhay.
Ang sarap ng feeling na nakapag paligaya ka ng iyong kapwa. Di ba?
Parang gusto mo siyang bigyan muli, dahil nakita mo kung paano ka na appreciate at yung pinagpaguran mo ay nasuklian ng lubos na hindi kaya bilhin ng pera.
Kaya sikapin natin na matutong mag pasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay sa ating buhay.
We do not only thank and praise God whenever he answers our prayers.
Kahit hindi pa ito nasa-sagot, okay lang.
Dahil alam natin na God knows best.
He knows kung kailan ang tamang timing.
Kahit may mga hindi ka-nais-nais na nangyari sa ating buhay, dapat pa rin tayo matutong magpasalamat.
Kahit nabangga ang iyong sasakyan, “Lord, maraming salamat na walang nasaktan ng grabe.”
Kahit may nagkasakit sa ating mahal sa buhay, “Lord, maraming salamat at may naipon ako pambayad ng ospital.”
At kahit walang pambayad, “Lord, maraming salamat at may mga kaibigan ako at mahal sa buhay na pwedeng malapitan.”
I hope you get what I mean.
Ganoon din dapat tayo kay Lord, matuto tayong magpasalamat sa Kanya sa lahat ng pagkakataon.
In all things, we need to learn how to give praise.
We praise God not because bad things are happening but we praise God because regardless of what happens…
God is good.
God is present.
God will never leave nor forsake us.
God is the best thing that can happen and will ever happen in our life.
Starting today, let us start giving Him PRAISE because He is good.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Musta ka na lately?
- Nasa mood ka ba ng pagpapasalamat o pag rereklamo?
- Ano ang kailangan mong ayusin para magbago ang pananaw mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Here are some other related posts:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.