Bakit may ibang taong MATA POBRE? Napakababa ang tingin sa ibang tao. Feeling nila sila ang mga may karapatang mabuhay at kumain. Nandidiri sila sa mga taong hindi nila ka-level. Tumataas ang kilay kapag hindi ka nila feel.
Ang tawag ko sa mga taong ito ay EYE-POOR. Why EYE-POOR? Eye is MATA, poor is POBRE. Kaya, EYE-POOR. (Hahahaha Laugh Out Loud!!!)
I also had my own share, na may mga nag EYE-POOR sa akin when I had nothing.
Hindi ko malimutan noong nalugi ang business ng father ko. Tuwing may mga gathering hindi na kami pinapansin at iba na ang turing sa amin. Dati kami ang pinupuntahan sa bahay, pero biglaan silang naglaho na parang bula. Dati ang ingay ng bahay tuwing pasko, napalitan ng katahimikan na para kang nasa sementeryo. At pag may mga gathering, kami parati ang pinauuna sa pila ng pagkain, ngayon kami naman ang nasa huli. Hindi na rin kami pinapasali sa mga games kapag may mga palaro tuwing pasko. Hayyyyy!!! Ganoon talaga ang mga relatives, the more money you have the more RELATIVES you have. No money! No relatives!
Ganoon din ang na-experience ko noong nag-aartista pa ako. Maniwala kayo o hindi, nag-artista po ako dati. Gusto niyo ng proof? Huwag na lang! Tuwing kasama ko ang kaibigan ko na si Randy Santiago at kami ang mga hawi boys ni Randy ang taga protekta ng kanyang shades, siyempre naman di naman maiiwasan na magkatabi kami. May mga photographer na kukuha ng picture niya. Sasabihan ako, “Excuse me, si Randy lang, hindi ka kasama.” (Ouuucccchh!!!)
Pero nagbago na ang ihip na panahon. Sa pamamagitan ng sikap, tiyaga, karunungan, diskarte, at PANALANGIN, gumiginhawa na ang ating buhay. Ang mga dating hindi tayo pinapansin, ngayon pinupuri na tayo. Ang mga dating ine-etsepwera ka pag ma photo shoot, ngayon ikaw na centro ng atensiyon lalo na pagkatapos ng seminar may photo opportunity and book signing.
Ito ang natutunan ko sa karansan na ito:
HUWAG MAGKIMKIM NG SAMA NG LOOB
Talo ka kung ikaw ay nagtanim ng sama ng loob. Maaring mong sabihin na ginagamit ko lang yung pangaalipusta nila bilang motivation at inspiration ko para patunayan na hindi mali ang kanilang gawain. But once nakamit mo na ang tagumpay, kailangan natin ipaalala sa ating sarili na HUWAG TUMULAD SA MGA TAONG MATA POBRE. Tama na ang drama na , “Bukas luluhod ang mga tala’ng effect.”
Hindi mo ba napapansin sa nais natin bumawi at makaganti, “You become the people you hated most. In other words, nagiging katulad natin yung mga tang kinaiinisan natin.” Ikaw naman ang nag magmata pobre sa kanila. Kahit sabihin mo that they deserve to be treated that way pero mali pa rin siya sa mata ng tao at ng Diyos.
Ang mga taong bulag ay hindi alam kung ano ang ginagawa nila; bulag sa kayamanan, kapangyarihan, at kasikatan.
Just like what Jesus said, “Father, forgive them for they do not know what they are doing.”
Pag dumating ang araw na pahintulutan tayo ng Diyos na umangat sa buhay, tandaan natin kung saan tayo nagsimula at kung ano ang ating hangarin. Nagsimula tayo sa wala, at noong minsan tayo ay sinaktan ng mga taong mata pobre. Ang ating hangarin ay para sa ating mahal sa buhay at yan ay para sa ating pamilya. Di dapat mawala ang focus mo, na para sa pamilya. Period. Huwag na tayong mag power trip at nais natin maghiganti sa mga taong nanakit sa atin.
Sige ka, baka ikaw naman ang mabansagang MATA POBRE OR EYE POOR.
Give love na lang and hayaan na natin si Lord ang humusga sa mga taong ganyan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay na eye poor na rin dati? Ano ang karanasan mo? How do you think you should respond?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines specializing in topics such as building and strengthening relationships, personal development and financial management to name a few. Thousands of people have been inspired by his stories and wisdom as he continues to be motivational keynote speaker in different places. We hope and pray that you may also find inspiration through this article as you grow in your relationships.
Did you enjoy this article? Check out these other related topics:
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- How To Handle A Fair-Weather Friend
- WHY SOME PEOPLE CAN’T SAY NO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.