Let’s define HAPPINESS.
Sabi sa commercial,
sa isang bote ng softdrinks matatagpuan.
Sabi sa shopping mall,
sa 50% OFF at Buy 1 Take 1 mahahanap.
Sabi sa bangko,
sa credit card at loan programs nila.
Sabi sa restaurant,
sa buffet table at EAT ALL YOU CAN promos.
At may mga taong nagsasabi
na ang tunay na kasiyahan ay na kay “forever”.
In their own ways, they have tried to persuade us
to believe on a marketed idea of “happiness”.
Pero bakit may mga tao pa ring nalulungkot
pagkatapos makamit ang hinahangad nila?
Bakit buhay na buhay pa rin ang mga katagang tulad ng…
“Mabuti pa siya, nese kenye ne eng lehet.”
“Sana meron rin ako n’yan!”
Dahil ang totoo, may iba na…
Hindi makuntento.
Mas gustong makalamang sa kapwa.
May nais patunayan.
Alinman sa mga ito ang totoo,
ito ang aking maipapayo:
MATUTONG MAGPASALAMAT masaya
(Photo from this Link)
Maliit man o malaki ang sahod na natanggap,
nakakain man o hindi ng more than 3 times today,
hindi man napanood ang inaabangang pelikula
dahil kinapos sa budget…
Matuto pa ring magpasalamat!
Dahil lahat ng meron tayo ay biyaya ng Diyos.
Magpasalamat dahil buhay tayo
at may pag-asang umasenso.
MATUTONG MAKUNTENTO masaya
(Photo from this Link)
Madalas n’yo na siguro itong marinig sa akin…
Hindi lahat ng meron tayo ay meron din ang iba.
Parang itsura lang ‘yan.
The more we compare our own beauty to others,
the more we get insecure.
Later we know, masyado na tayong naka-focus
sa pagpapaganda ng ating panlabas na kaanyuan.
Namumuo na ang inggit sa ating puso.
Nakalilimutan na ang tunay na kabutihan.
MATUTONG MAG-APPRECIATE Masaya
(Photo from this Link)
Aside sa magpasalamat sa Panginoon
I-appreciate din natin kung ano ang meron.
Kaka focus kasi natin sa wala at kulang,
hindi na natin napapansin yung tunay na
rason para tayo’y makuntento at magsaya.
Imbis na:
“Kainis, di nako nakatrabaho kakaalaga sa magulang”
Bakit hindi:
“Napaka swerte kong may magulang pa ako”
Imbis na:
“Puyat na puyat nako kakatrabaho! Ayoko na!”
Bakit hindi:
“Swerte ko may trabaho ako. Hirap pa naman humanap”
Simple things like those..
Change of perspective lang kapatid
para makita natin ang beauty ng buhay.
“Simple lang para magkaroon ng kasiyahan.
Matutong makuntento at alisin ang inggit sa katawan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang kasiyahan mo?
- Kuntento ka na ba at ipinagpapasalamat ito?
- O kailangan mo na talagang magtipid this 2018?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“HOW DOES STOCK MARKET WORK ”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/TA1XKWKZnhY
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.