Kapag nababanggit natin ang Amerika, ito usually ang na-i-imagine..
Maganda siya!
Progresibo!
Maraming mga pwedeng pasyalan!
Nandoon si Mickey Mouse sa Disneyland.
Nasa Hollywood ang mga international stars.
Nasa U.S din ang mga malalaking kumpanya na kilala ang mga produkto tulad ng APPLE, MICROSOFT, at marami pang iba.
Sa iba’t – ibang areas na aming nabisita, hindi mawawala yung mga tinatawag na homeless at mga pulubi.
Iba lang kasi yung nakikita natin sa TV and pelikula. Nabentahan tayo masyado ng American Dream.
Pero alam niyo ba, mismong ang mga naninirahan diito sa Amerika ang nagsasabi na ang mayayaman ay sobra talagang yaman, pero ang mahihirap ay labis din ang kahirapan. Ganon daw ka-extreme.
Bakit? Dahil sila ba tamad sila ? Hindi!
Kahit nais nilang magtrabaho pero minsan sa hirap din na ekonomiya, walang mapasukan na trabaho.
Tulad din natin sa Pilipinas, ganoon din, walang masyadong pinagkaiba.
Pero may isang malaking pagkakaiba, tulad ng naisulat ko sa unang bahagi ng aking blog (please insert hyperlink here)
Sa Amerika, oras na nawalan ka ng kita, lubog ka na agad sa malaking utang hindi dahil sa luho, dahil sa taas ng standard of living.
Dito sa Amerika, pwede ka talaga mamatay sa gutom.
Marami din namamatay dahil sa hypothermia, dahil sa sobrang lamig ng panahon tulad ngayon Disyembre.
Kahit hindi sing progresibo ng Amerika ang ating bansa.
Sa Pinas, kahit mahirap ka as long as willing kang mag trabaho mabubuhay ka.
Kung ikaw ay nasa probinsiya, kung masipag ka lang at magtanim ka, pwede mong anihin ang iyong kakainin.
Kung ikaw naman ay mangagaisda at ikaw ikaw ay lalayag para manghuli ng isda, mabubuhay ka.
In other words, hindi lang po sa Pinas ang maraming mahihirap, dito rin sa Amerika. Ang pinagkaiba lang ay, sa Pinas may laban ka! Pero kung nandito ka sa Amerika, mahirap lumaban.
Kaya mga kapatid, huwag nang mainggit sa mga kamag-anak o kaibigan nating naninirahan at nakikipagsapalarasan sa Amerika.
Sa totoo lang, mas na-appreciate ko at lalo pang minamahal ang ating bansa sa pagbisita ko dito sa U.S.
Kahit hindi tayo kasing yaman nila, marami tayong kayamanan na meron tayo na wala naman sila.
“Chinkee, ano ba ang kayamanan na sinasabi mo?”
Yan ang ibabahagi ko sa inyo sa susunod na blog ko dito sa series natin na #chinkeetanamerica
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw sa palagay mo mahirap ka ba o mayaman?
Kung kumikita ka higit sa P150 pesos per day, mas mayaman ka kumpara sa 1.3 billion na katao sa mundo.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.