Ang mga morena, nagpapaputi.
Ang mga kulot ang buhok, nagpapaunat.
Ang mga chubby, pilit nagpapapayat at nagpapa-sexy.
Kahit butas na ang bulsa, nakikipagsabayan pa din sa bihis ng mga artista.
Maraming mga tao ang hindi makuntento sa kung anong meron sila dahil na rin sa mga mapanghusgang mata na nakatingin sa kanila. Mga mata na walang ibang ginawa kundi mang-husga, mang-mata, mamuna at mamintas.
Ang masakit pa nito, hindi ka in at hindi ka tanggap ng society kapag hindi ka nakipagsabayan o naki uso. It shouldn’t be like this. Each one of us is created unique. Every one is given a gift and entrusted with a talent. Don’t let anyone look down on you because you are different.
Kung sakaling struggle mo ang pagiging mapanghusga sa kapwa, please meditate on these three important points:
MAY WEAKNESS TAYONG LAHAT
Bago natin sitahin ang dumi sa mata ng ibang tao, tanggalin mo muna ang mga muta sa sarili natin mga mata. Anong ibig sabihin nito? Bago tayo mamuna at tumingin sa kahinaan ng ibang tao, tignan muna natin ang sarili nating kahinaan. Minsan masyado tayong nagiging abala sa pamimintas na nakakalimutan natin na meron din tayong kapintasan. Huwag natin pwersahin na magbago ang mga tao sa paligid natin, tayo ang dapat unang magbago. Simulan mo!
ILAGAY NATIN ANG ATING SARILI SA KANILANG KALAGAYAN
Madaling manghusga ng ibang tao dahil hindi natin alam ang katakot-takot na pinagdaanan nila. Ang nakita nalang natin ay ang end result, pero ang “behind the scene” ay hindi natin nakita.
So we don’t have any idea what the person has gone through. Hindi siya confident kasi ilang beses na siyang na reject; hindi sya magaling mag-english kasi sa hirap ng buhay nila hindi sya nakapagtapos ng pag-aaral; kuripot siya kasi lumaki siyang deprived; self-centered siya kasi hindi siya nabigyan ng attention in his/her growing years; yan at marami pang iba. Sa susunod na na ma-tempt kang manghusga, subukan mo munang ilagay ang mga paa mo sa kanyang mga sapatos. Ewan ko nalang kung makuha mo pang manghusga.
HINDI TAYO ANG JUDGE
Walang sinuman sa atin ang may karapatang humusga. Kahit ikaw pa ang pinaka mayaman, pinaka matalino, pinaka magaling, at lahat na ng pinaka, wala ka pa rin karapatan para manghusga ng kapwa. Tanging Diyos lamang na lumikha sa atin ang nakakakita ng totoong laman ng puso natin. Dahil diyan, Siya lamang ang maaaring humusga sa bawat isa sa atin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba’y nahusgahan na o ikaw ang nanghuhusga?
Nasubukan mo na bang i-evaluate ang sarili mo bago mamuna ng iba?
Biktima ka ba ng mapanghusgang mundo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related articles:
- CRANKY MODE
- PARATI NA LANG MALI
- WHY ARE SOME PEOPLE TOO CRITICAL
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.