Isang malaking karangalan ang mapagkakatiwalaan ka ng iba.
Higit pa ito sa katanyagan, salapi, o kayamanan.
Mas mainam na ikaw ‘yung tipo ng tao na mapagkakatiwalaan at maaasahan, kaysa ‘yung taong hindi dependable at hindi mapagkakatiwalaan.
Hindi ba’t mas maganda kung mapagkakatiwalaan ka sa pera at trabaho? Kung meron silang kailangan, ikaw ang nilalapitan; kapag may problema sila, ikaw ang tinatakbuhan; kapag may proyekto sila, ikaw ang naiisip nila, kasi may tiwala sila sa iyo. May tiwala sila sa kakayahan mo, sa galing mo, sa trabaho mo, sa talino mo at higit sa lahat, may tiwala sila sa salita mo.
Aanhin mo ang lahat ng kayamanan, kasikatan, at kapangyarihan, kung hindi ka naman pwedeng pagkatiwalaan? Hindi nabibili ang tiwala. It is earned. Nagtitiwala ang tao sa’yo dahil nakita nila at napatunayan mo na karapat-dapat kang pagkatiwalaan.
How can we earn people’s trust? Here are my three practical tips:
HONOR YOUR WORD
Let your yes be yes and your no be no. Hindi tayo dapat sumagot ng OO kung wala naman tayong balak gawin o tuparin ang salitang ito. Hindi ba ayaw natin na pinapaasa tayo? Kaya, hindi rin dapat natin ito ginagawa sa iba. Magkaroon tayo ng isang salita at hindi dapat pabago-bago ang isip natin.
FULFILL YOUR PROMISE
Tumupad tayo sa ating mga pangako. Maliit man ito o malaki, tuparin natin ito. Kahit dumating tayo sa point na nahihirapan tayo o nakakaranas tayo ng inconvenience, tuparin pa rin natin ito. Kapag ginawa natin ito, maniniwala ang mga tao sa atin.
BE HONEST
Magpakatotoo tayo. Kung hindi mo kaya, kung hindi ka makakarating, kung hanggang diyan lang talaga ang kaya mo, kung talagang wala – eh ‘di, sabihin mo ang totoo. Mas mainam na maging tapat ka kaysa mapahiya ka o ang ibang tao sa huli dahil hindi ka naging honest.
Nagpapasalamat ako sa mga taong nagtitiwala sa akin…
Sa mga sumusunod sa akin sa YouTube…
Sa mga nagbabasa at tumatangkilik ng mga blogs ko…
Sa mga nag-imbita sa akin sa kanilang mga kumpanya…
Sa mga humihingi sa akin ng mga payo para sa kanilang mga problema…
Sa mga tumatawag sa akin para sa kanilang mga proyekto…
Sa mga kaibigan ko na malalapitan ko kapag may pangangailangan din ako…
Maraming, maraming salamat sa pagtitiwala niyo sa akin. Makakaasa kayo na iingatan ko ang tiwalang ito na ibinibigay ninyo sa akin.
Kaya naman kung papipiliin tayo between tiwala at kayamanan, piliin natin ang tiwala. Dahil ang pera ay pwede pa muling kitain, pero ang tiwala ay hindi kailanman nabibili o hinihingi sa iba.
THINK. REFLECT. APPLY.
Mapagkakatiwalaan ka ba?
Do you honor your word?
Do you fulfill your promise?
Are you honest with all your dealings?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
We hope that this article helped. You can also check on these other related posts:
- Mahirap Pagkatiwalaan ang hindi mapagkakatiwalaan
- How To Restore Trust
- MANANAHI KA BA? NG KWENTO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.