Single Blog

Maniwala Ka

WALANG TAONG MAKAKAPIGIL SA ISANG TAONG NANINIWALA

Napanghihinaan ka na ba ng loob?
Wala ka bang bilib sa sarili mo?
Pakiramdam mo hindi ka magaling gaya ng iba?

Hindi ka motivated gawin ang mga bagay-bagay sa buhay mo dahil feeling mo walang naniniwala sayo.

Sinasabi ko sayo ngayon, IKAW dapat ang unang maniwala sa sarili mo.

Bago maniwala ang iba sa mga kaya mong gawin, ikaw dapat ang unang maniwala na kaya mo. Kasi kung hindi ka maniniwala sa kakayahan mo, hindi mo talaga kakayanin. Kung ano ang pinaniniwalaan mo, yun ang magiging katotohanan. Kung naniniwala kang talunan ka, yun ka. Kung naniniwala kang hindi ka magaling, yun ka.

Pero kung naniniwala kang matagumpay ka, yun ka! Ika nga ng isang kanta, ???There can be miracles when you believe???. In order for you to achieve your goals and become what you want to be, you have to believe.

Maniwala ka na magaling ka at may angking talento.
Maniwala ka na hindi hadlang ang mga pagsubok at kahirapan para makamit mo ang tagumpay na minimithi mo.
Maniwala ka, kahit maraming discouragements sa paligid mo.
Maniwala ka, kahit parang imposible.
Maniwala ka na kayang-kaya mo sa tulong ng Panginoon.
Maniwala ka na meron pang pag-asa.
Maniwala ka na magbubunga ang sipag at tiyaga mo.
Maniwala ka na darating din ang panahon mo.
Maniwala ka na may katapusan ang lahat ng paghihirap na pinagdadaanan mo.
Maniwala ka na may Dios na nakatingin at gumagabay sayo.
Maniwala ka na kahit madapa ka, may pagkakataon pa para bumangon.
Maniwala ka na hindi pa huli ang lahat.
Maniwala ka sa sarili mo.
Maniwala ka sa Diyos.

Get out of your box, step out from your comfort zone, face your fears, spread your wings and fly away! Soar up in the sky! Believe in yourself and have faith in GOD. Ibaon mo na sa lupa ang lahat ng duda, takot, unbelief at hiya. Palitan mo ito ng courage, confidence and faith. Kung gusto mong maabot ang mga pangarap mo, maniwala ka. Kung gusto mong maging matagumpay, maniwala ka. Huwag nang magduda, just believe.

THINK. REFLECT. REPLY.

Are you discouraged and feeling down today?
Naniniwala ka bang kaya mo?
May tiwala ka ba sa sarili mo at sa Diyos na tutulong sayo?

Comments (0)