Sa sobrang modern ng pamumuhay sa panahon ngayon at halos lahat ay pwede nang gawing digital, nauso na ang katagang “the bigger, the better.”
Ibig sabihin ay kailangan nating i-upgrade ang mga bagay-bagay para magkaroon nang mas magandang buhay, at para makamit ito ay kailangan natin nang mas malaking pera. Ika nga, ‘pag mas malaki ang sahod, mas marami ang kailangan nating pagkagastusan.
LIFESTYLE INFLATION
Ito ang resulta ng pagsunod nang karamihan sa atin sa sistema nang pakikiuso. Kaya marami sa atin ang malaki ang sahod, pero walang ipon.
Hindi naman masamang mag-upgrade ng mga bagay, at sumunod sa uso pero kailangan may limitasyon. Kung pipilitin nating mabili ang isang bagay dahil uso ito kahit hindi natin talaga afford, hindi rin natin ito mae-enjoy dahil sa financial stress na kapalit nito.
HINDI LAHAT NG BAGO AT MAMAHALIN, KAYA TAYONG PASAYAHIN
Kapag bumili tayo ng bagong cellphone ngayon para lang makiuso, sa susunod na buwan at taon ay bibili tayo ulit ng bagong unit just to keep up with the trends, hanggang sa ma-realize natin na wala na talaga tayong pera.
Pwede pa rin namang hindi tayo sumabay sa agos ng mga uso. We can still be happy even with less expenses.
Kapag konti lang ang gastos, mas marami tayong maiipon para sa mga bagay na kailangan nating pagkagastusan in the future.
Kapag konti lang ang gastos, mas environmental-friendly dahil konti lang ang mga kailangan nating itapon.
Kapag konti lang ang gastos, clutter- at stress-free tayong makapagpa-pahinga sa bahay.
Kapag konti lang ang gastos, hindi na natin kailangan intindihin kung anong bago at uso ngayon. Mas makaka-focus tayo sa sari-sarili nating mga pangangailangan.
MONEY CAN’T BUY REAL HAPPINESS
Kapag bumili tayo nang magarang kotse kahit hirap tayong bayaran ito nang mahabang panahon, iiyak lang tayo sa stress tuwing sasakyan iyon.
Pero bakit naman natin kailangang umiyak pa sa loob ng kotseng hirap tayong bayaran nang buo? Pwede namang sumakay na lang tayo ng jeep o bus nang nakangiti at nakatipid.
“Walang masamang bumili ng mga bagong gamit. Pero dapat maging wais sa pagbili para may savings pa ring maitabi.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
Mahilig ka bang gumastos sa mga bago at nauusong bagay?
May naitatabi ka pa ba sa iyong savings account?
Ano ang mga maaari mong gawin upang mabawasan ang sobrang paggastos at mas maparami pa ang iyong ipon?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.