Single Blog

Makikilala Mo Ang Tunay Mong Kaibigan Sa Panahon Ng Kagipitan

A Best Friend Is Hard To Find But It Is Easier To Become One

Sino ang best friend mo?
Ano ang mga katangian niya bakit mo siya na-consider as your best friend?

May isang taong nangingibabaw sa ating buhay.
Kahit anong nae-experience natin sa buhay ay siya yung taong una nating naiisip na pwede tayong damayan. Siya yung taong tinatawag natin na best friend.

Meron sa atin na ang best friend natin ay ang ating magulang, kapatid, asawa or anak; or a person na hindi natin kadugo. Wala sa edad, personality o sa kasarian ang basehan kung sino ang best friend natin.

Finding someone na maituturing natin as best friend is a tough task. Madami muna kayong pagdadaanan bago mo mapapatunayan kung siya ay tunay mong matalik na kaibigan. You will have your high and low moments in life, and in those moments you’ll see the true colors of the people around you.

At paano mo malalaman kung ang isang tao ay iyong best friend?

THEY CAN KEEP A SECRET
Di ka nila bibiguin pag dating sa pagtago ng deepest secrets mo. Na kahit ano pang maging kapalit o consequences nung di nila pagbunyag ng mga yun ay di niya iindahin. Dahil para sa kanila, ang friendship mo ang ipa-prioritize nila over any gains na pwede nilang makuha kapalit ng pagsabi ng secrets mo.

And ang totoo nyan ay it is rare to find a person who can keep a secret. Diba? Kaya kung may mga taong kahit anong daldal nila pero pag dating sa sikreto mo ay napipigilan nila ang kanilang bibig, aba naka-jackpot ka. Treasure that person.

THEY ARE ALWAYS PRESENT
Hindi ka nila iiwanan in good times and in bad. Present sila not only kung may kailangan sayo or kung kelan birthday mo lang. Present sila even if lugmok ka na, yung tipong lahat na ng tao tinalikuran ka na pero sila ay nasa tabi mo pa rin.

Hindi sa kanila big deal kung meron ka man maibibigay or wala. You can expect that in whatever circumstance you’re in, they’re IN your life. They’re present.

THEY WILL SUPPORT YOU IN YOUR DARKEST MOMENT
Sa darkest moment ng buhay mo makikita kung sino ang iyong tunay na matalik na kaibigan. Dahil that’s your lowest point in life and when they remain by your side, that means they expect nothing from you. Andun sila to support you and give you the things you need most–even if it is only a shoulder to lean on.

Dadating ang punto sa buhay mo na mapapatunayan mo talaga kung sino lang ang tunay mong matalik na kaibigan. Sila yung matitira sa tabi mo, hahawak sa kamay mo, itatayo ka kapag di mo na kaya.

Tunay nga that it is hard to find someone with those qualities whom you can call best friend. Pero alam mo kung ano ang mas madali? To be that someone. To keep the secret of your friend. To be present in your friend’s life in good times and in bad. To support your friend in times of his darkest moment. It is easier because you can control yourself–you can decide right this very moment to be that someone.

THINK. REFLECT. APPLY.

Keep the secret of your friend, be present in the life of your friend, and in times of their darkest moment, support your friend. Because it is easier to be a best friend to someone than to find one.

If you have many plans and goals in life but do not know where and how to start. If you want to know more and learn on how you can create a plan and a strategy.

I want to invite you to my very first public meeting on January 16, 2016 (9AM-5PM)

3rd Floor Eastwood
3F, Units 3A-3F, City Walk 2, Eastwood City

READY SET GOAL
“The Power of Goal Getting”

Ready Set Goal Web Banner

In this session you will learn:
Why do we need a Goal?
Why do we people never reach their Goals?
How can you set Realistic Goals?
How to Identify and Prioritize your Goals?
How to Hit your Financial Goals this 2016?

For more info, please visit https://readysetgoal.info or call this number 0920-949-4975

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link