Meron ka bang kakilalang parang semento?
Semento as in “matigas”?
As in parang semento sa kapal ng fez?
Yun talagang hindi na nahihiya na tayo na lang mismo
ang nahihiya at nao-awkwardan sa ginagawa nila?
I will give you a scenario:
May friend tayo na NAPAKA tagal na
nating ‘di nakakausap. Hindi na nga sila
matatawag na ‘friend’ dahil wala tayong
connection at all or alam sa buhay ng isa’t isa, biglang…
A. “Hi _____, alam kong may mga gastos kayo
pero baka puede kayo mag SPONSOR para sa birthday
ni baby, 7 na kasi siya.”
B. “Uy friend, nakita ko na-promote ka ah!
Ano, MANLIBRE ka naman!”
C. “Yabang! Bagong sasakyan! PAHIRAM naman!
May balikbayan kasi akong kaibigan, need ng van.”
D. “Kamusta na? O nga pala, nagmessage ako
kasi KAILANGAN ko sana ng pera, baka meron ka diyan?”
Tapos when we say NO to all these, tayo pa sasabihan ng:
“Ang yabang mo na!”
“Hindi ka na maabot, ‘kala mo naman ang layo na ng narating.”
“Eh ‘di ikaw na! Damot!”
“Na promote lang ‘kala mo kung sino!”
MY GULAY! Maayos naman tayo nagsabi pero
bakit tayo pa ang masama? This is sad.
Wala naman masama makiusap o
humingi ng tulong but to demand something
from other people — there’s something wrong here.
Bakit nga ba may mga taong ganito?
THEY ONLY CARE ABOUT THEMSELVES makapal
(Photo from this Link)
Kahit pa walang wala tayo, madaming gastusin,
gipit na gipit din — wala silang pakialam.
Gusto lang kasi nila makuha yung gusto nila.
Hindi nila nararamdaman yung nararamdaman natin.
They will try to do and say everything
even if they’re becoming insensitive.
At kapag hindi nila nakuha,
it’s either masama ang tingin nila sa atin
or they move on to the next.
DESPERATE MOVES makapal
(Photo from this Link)
Alam n’yo yung feeling na kailangan na
kailangan na natin ang isang bagay?
Halimbawa:
Hinahabol na tayo ng maniningil..
bukas ipapabaranggay na tayo,
solusyon natin is mangutang na…
Wala tayong trabaho pero kailangang
mabuhay, kaya kakapalan na natin ang ating mukha
para manghingi ng pantawid at pangkain
sa kapatid o magulang.
Nakapangako na sa isang kaibigan
kaso naunsiyame yung plano,
kaya tatakbo sa ibang mga kakilala at magbabakasakaling
malutasan ito with their help.
Wala na kasi silang makapitan and
hoping na yung ibang tao naman ang makatulong sa kanila.
To those of us who need help, dapat…
MAGING SENSITIVE TAYO makapal
(Photo from this Link)
Kung hindi sila magreply,
sinabi nila sa ating: “Pasensya ka na,
may pag gagamitan ako eh” o kaya
kahit ano pang dahilan na sabihin nila,
we shouldn’t feel offended.
Yes we might feel rejected but
we must also understand their situation.
Hindi dapat tayo nagdedemand sa kanila
na para bang may malaking utang na loob
sila sa atin na kailangan nilang ibalik.
Remember, nakikiusap tayo,
kung mapagbigyan, good,
kung hindi naman, dapat okay lang din.
Hanap na lang ng ibang paraan.
“Kung tayo ay hihingi ng pabor at hindi napagbigyan,
huwag sumama ang loob at mag demand.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nasubukan mo na bang humingi ng pabor at hindi napagbigyan?
- Sumama ba ang loob mo o tinanggap ng maluwag?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“IPON TIPS: Saving up for an Educational Plan”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2tSil7R
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.