Single Blog

Mahirap Umasa Sa Iba

DEPEND ON GOD FOR THE THINGS YOU CANNOT DO BUT DO WHAT YOU CAN

Umaasa ka ba sa magulang mo para sa pang araw-araw mong pang gastos?
Umaasa ka ba sa mga anak mo para sa pagpagamot mo?
Umaasa ka ba sa ibang tao para sa kinabukasan mo?

Sa totoo lang, napakahirap umasa sa iba.
Napakahirap lumapit at minsan ta-timing ka pa kung maganda ba ang mood o malamig ang ulo. Eh paano na, kung mainit ang ulo niya for 2 weeks, eh di 2 weeks ka rin maghihintay?

Kaya kung ikaw ay handa ng tumayo sa sariling mong mga paa at maging independent, read on.

Kung meron man tayong aasahan, isa lang ang pwede natin asahan.

DEPEND ON GOD

Ang Diyos lang ang katangi tangi na maaari nating asahan, dahil hindi Niya tayo iiwan at hindi Niya rin tayo bibiguin.

God knows what’s best for each one of us kaya naman sinasagot Niya ang mga panalangin natin na ayon sa Kanyang plano. At yung mga unanswered prayers? Dapat mo din yun i-appreciate dahil ibig sabihin nun ay may better plan si Lord for you.

You’ll never go wrong kung aasa ka sa Panginoon dahil Siya ay powerful and mighty!

But there’s another one whom we can depend on.

DO WHAT YOU CAN

Sikapin natin na gawin ang lahat sa abot ng ating makakaya na huwag tayo aasa sa iba. Para kang minsan namumulubi dahil ikaw ang hingi ng hingi. Hindi naman natin maiiwasan na minsan tayo ay nangangailangan ng tulong.

But with limits.

Oo, maaari tayong umasa sa sarili natin. Bakit? Kasi walang ibang pwedeng mag-decide para sa sarili natin kundi tayo lang. Walang ibang pwedeng gumawa ng paraan kundi tayo lang. Yes, you can always depend on God, but He also wants us to act! Nagdadasal ka nga pero di ka naman umaaksyon, ano yun? Si God ang inaasahan mong gumalaw para sayo? Ipinagdadasal mo na ma-promote ka pero tambay mode ka naman palagi sa opisina. Ipinagdadasal mo na maging healthy ka pero puro bisyo, junk foods, at negatibong mga bagay naman ang laman ng iyong sistema. Ipinagdadasal mo na di ma-late sa school pero late ka naman kung gumising. Aba, gumising po tayo sa katotohanan na hindi sapat ang pagdadasal. Sabi nga sa James 2:17, “Faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.”

So the bottomline is, you can always depend on God but also do your part.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ikaw ba ay palaasa ba sa ibang tao?
Gaano katagal ka na bang umaasa?
Ginagawan mo ba ito ng paraan?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link