Single Blog

Magtiyaga Ka

Kaya huwag mawawalan ng pag asa

Isa sa mga bagay na hindi common sa panahon ngayon ay pagiging MATIYAGA.

Maraming mga tao ang naging matagumpay ngunit hindi dahil sa magaling sila at maabilidad, kundi dahil sa sila ay matiyaga. Aanhin mo ang sipag, talento at magandang diskarte kung sa umpisa lang? Balewala ang mga ito kung hindi marunong magtiyaga ang isang tao.

We need to understand…
It takes time to plant a mango tree.
It takes time to raise a child.
It takes time to build castle.
It takes time to be a success.

Lahat talaga ng gusto natin sa buhay ay may tamang panahon.

Paano nga ba maging matiyaga or should I say ano ang maaari nating gawin para tayo???y maging matiyaga?

Kahit hirap na hirap ka na sa Boss mong maligalig, magtiyaga ka.
Kahit puyat na puyat ka na sa dami ng deadlines, magtiyaga ka.
Kahit walang bumibili sayo at tila palugi na ang negosyo mo, magtiyaga ka.
Kahit hanggang ngayon di ka pa rin sinasagot ng nililigawan mo, magtiyaga ka.
Kahit pagod at sawa ka na sa routine mo bilang full time mom at housewife, magtiyaga ka.
Kahit tamad na tamad ka na pumasok sa trabaho dahil sa pambihirang traffic, magtiyaga ka.
Kahit parang sinakluban ka na ng langit at lupa, magtiyaga ka.
Kahit sangkatutak ang pagsubok at mga suliranin mo sa buhay, magtiyaga ka.
Kahit tila baga wala ng pag-asa, magtiyaga ka.

May kasabihan nga kung walang TIYAGA, walang NILAGA.

THINK. REFLECT. REPLY.

Masasabi mo bang matiyaga ka ngayon?
Anong goal mo sa buhay?
Masyado ka ba nagmamadali at nafru-frustrate ka na?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link