Matanong kita KaChink,
Paano ka mag-ipon?
Ina-apply mo ba ang 52-week challenge?
Blind P20, P50, or P100?
20% ng kita ay diretso sa banko?
Grabe, napakaraming paraan kung
paano tayo makakaipon.
Nakaka addict noh?
Parang lahat ng paraan na pwede,
susubukan natin para
lumaki rin ang ating naitatabi.
Para nga naman kapag nangailangan,
hindi na sumasakit ang ulo natin kakahagilap.
Pero alam n’yo bang meron tayong
nakaliligtaan o binabalewalang mga paraan?
Ito yung mga maliliit na bagay na
kapag inaraw-araw natin,
ang laking halaga pala
ng perang ating nasasayang at natatapon
na pwede na pala sanang ipon.
Anu-ano nga ba ang ilan sa mga ito?
PAGBILI NG BOTTLED WATER o mga READY TO DRINK magtipid
(Photo from this Link)
Hindi ko naman sinasabing libre ang tubig sa bahay.
Nagbabayad din tayo ng P25 – P30 per 5 gallons
na umaabot ng 3-5 days.
Pero ikumpara ito sa pagbili ng bottled water
sa halagang P20 tapos isang lagukan lang.
Imagine the difference?
Bago pa man umalis ng bahay,
Lamnan na ang ating mga water bottles.
Kung maubos man during the day,
libre naman kadalasan ang tubig
sa opisina o canteen, ‘di ba?
Iwas iwas na din tayo sa mga Ready to Drink.
“Ang lupet mo naman Chinkee!”
Again, inuulit ko, KUNG MAY BUDGET, GO.
Kung wala, use safer and healthier alternative— TUBIG.
FREQUENT TRAVEL SA CONVENIENT STORE magtipid
(Photo from this Link)
Bago pumasok…
Meryenda time…
Lunch break…
After office…
Pansin n’yo lagi tayo dumadaan
sa mga grocery o convenient store na malapit?
Bibili ng biscuit, ice cream, chichirya, o mga kendi?
Maski wala namang balak, kapag nadinig na ang:
“Tara baba tayo” — eh umuusok na ang puwet
makalabas lang ng opisina at syempre
mapapabili na rin. Nandu’n na ang temptation eh.
Kung alam naman na natin
yung gusto natin kainin,
eh bumili na tayo ng bultuhan sa grocery.
Mas makatitipid na,
hindi pa nauubos ang oras natin
papunta at pabalik sa opisina.
NAHIHIYANG MAGBAON magtipid
(Photo from this Link)
Wala naman nakahihiya kung magbabaon tayo.
Mas nakahihiya kung pinipilit natin
ang ating mga sarili, makasabay lang.
Malaki ang matitipid natin kung
tayo ang maghahanda o magluluto
ng sarili nating baon.
Maski nga yung ulam kagabi?
Pwede pa yun!
Magkano ba ang meals natin sa araw-araw?
Sabihin na nating P200 maghapon na,
o biruin n’yo, nakatipid tayo ng P200!
Malaki yun ah.
Reward yourself if you can,
pero kung sakto lang, tandaan na
wala namang nakahihiya kung magbaon.
“Kung marunong tayong magtipid ng ating perang tinatanggap,
siguradong makaiipon tayo at magiging maayos ang ating hinaharap.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong mga tipid tips ang ginagawa mo?
- Magkano ang iyong naitatabi dahil dito?
- Paano ito nakatulong sa iyo?
For more ipon tips, go to this link now: https://chinkeetan.com/ipon
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 REASONS WHY PEOPLE HAVE POOR WAY OF THINKING”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GOpRs6
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.