Dikit-dikit ang mga malls…
Nagkalat ang mga fastfood chains, karinderya, at restaurants sa paligid…
Usong-uso ang online shopping…
Madali nalang bumili ng plane ticket at magpunta sa magagandang lugar…
Kahit saan ay may nag-aalok ng credit card…
Kahit saan ka lumingon, there is temptation.
Mas madali magkaroon ng spending habit kaysa saving habit.
At dahil diyan, masasabi kong hindi talaga biro ang magtipid. Sa dami ng ating wants and needs, parang isang matinding struggle talaga ang magpaka-frugal. It is so hard to live within our means.
Sa tagal nang ginagawa kong pagtulong sa mga taong nahihirapan magtipid, ito ang aking mga observations…
NOT ENOUGH INCOME
Hindi ka naman talaga maluho at magastos. Hindi lang talaga kasya ang kinikita mo para matugunan ang lahat ng pangangailangan mo. It’s a sad truth na habang tumataas ang tuition fees, gasolina, bilihin, kuryente, tubig, renta ng bahay, pamasahe, at kung anu-ano pa, ang suweldo ng karamihan sa atin ay parang kanal na naging stagnant na. Tumaas man, kakapiraso lang at halos ‘di mo maramdaman. Kaya naman, ‘di maiiwasan kung talagang wala kang matitipid dahil kulang ang sahod mo.
SO MANY DISTRACTIONS
Noon, pwede ka namang mabuhay kahit walang cellphone. Landline, pwede na! Ngayon, hindi lang isang cellphone ang meron tayo. ‘Yung iba sa atin, dala-dalawa pa!
May mga gamit tayo ngayon na pwede namang wala, pero feeling natin ay hindi pwede mawala kasi ‘need’ na ito. Kumbaga eh, naging high maintenance na tayo. Very tempting ang paligid natin. Kahit saan tayo lumingon o tumingin, pakiramdam natin, laging merong ‘need or urge to buy’. Meron ka dapat nito, dapat nakarating ka dito, dapat nakakain ka doon, and more. Kasabay ng pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang ways of spending natin. ‘Ika nga eh, magastos nang mabuhay nowadays.
CONVENIENCE TO SPEND
Napakadaling gumastos ngayon. Paano ko ito nasabi? Ang dali umutang! Kahit wala kang hawak na cash, pwede mo pa ring makuha ang gusto mo. Gusto mo ng kotse, pero wala kang big amount? Sa halagang 15k, pwedeng-pwede ka nang magkaroon ng brand new car! Ganoon nalang kababa ang mga downpayments ngayon. Gusto mong pumunta ng Disneyland, pero wala kang cash? I-enter mo lang ang credit card number mo, makakalipad ka na papuntang HongKong at makikita mo si Mickey Mouse! What I’m trying to say here is that it is so easy to spend money these days. Isang click lang, pwede ka nang mag-shopping! Hindi na kailangang mapagod, mapawisan, at bumiyahe para lang makapamili ng gamit. In just one click, ihahatid pa mismo sa bahay niyo ang mga pinamili mo!
LACK OF CONTENTMENT
I think this is the bottomline. We know in our hearts na hindi tayo kuntento sa kung ano ang meron tayo. Hindi natin mawari kung ano talaga ang kaibahan ng needs sa wants kasi feeling natin, lahat ay kailangan natin – kahit hindi naman. Actually, kahit hindi sapat ang kinikita natin, we can still be joyful and live within our means if we are only contented with simple living. However, we struggle because we crave for more. It may also be because we are insecure, jealous, envious, or deprived.
In my next blog entry, I will share with you some tips on how we can train ourselves to manage our finances well and make it possible to make saving money a habit. Makakapagtipid pa rin tayo kung gugustuhin natin. Abangan!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi ka nakakapagtipid?
Matipid ka ba o magastos?
Do you live within or beyond your means?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Here are some more other related posts:
- GROWING YOUR SAVINGS THROUGH BUSINESS
- Ang tunay na IPONaryo ay Matipid at Hindi Maluho
- Tipid Now, Ginhawa Later: Magtipid Ay ‘Di Biro (Part Two)
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.