One of the common tests na pinagdadaanan natin lahat is the test of patience.
Nandyan ang…
Kailangan hintayin ang tamang panahon para mag-asawa …
Kailangan magtiis para makakain ang pamilya …
Kailangan maghintay kung ikaw ay tanggap sa ina-applyan na trabaho …
Kailangan magtiis sa mga pila para kumuha ng kung ano anong requirements …
Kailangan magtiyaga para makabili ng pinapangarap na tahanan ..Kailangan matuto tayong MAGTIIS, MAGTIYAGA AT MAGHINTAY. Kasi hindi masarap ang prutas na hindi pa hinog o hinog lamang sa pilit.
Kung ipipilit natin ang gusto natin pero hindi pa ito napapanahon, problema lang ang idudulot nito sa ating buhay gaya ng …
BATA PA LANG PROBLEMADO NA SA SARILING PAMILYA
Maraming kabataan na nagiging pamilyado na kahit hindi pa naman talaga HANDA bumuo ng sariling pamilya.
Imbis na ang iniisip ay kung paano makapagtapos ng pag-aaral, ang nagiging laman na ng utak ay kung ano ang IPAPAKAIN SA PAMILYA.
At kung hindi ka naman marunong magtiis, malamang ikaw ay …
MADALING SUMUKO SA LABAN NG BUHAY
For example, lahat ng gusto nabibigay sa kanya noong bata pa siya kaya hindi sanay sa mga challenges. Hirap na hirap makahanap ng trabaho, tuwing nare-reject sa pag-aaply ay pinanghihinaan na agad ng loob.
At kapag nakita mo na mahaba pala ang pila, ipagpapabukas mo ng ipagpapabukas. Imbis na natapos mo ng isang araw, inabot ka na ng ilang araw o baka ng ilang buwan pa. Simpleng pila pa lang, sinusukuan mo na. Paano pa kung mas MATINDING HAMON na?
At kapag naman hindi ka nagtiyaga …
MABABAON SA LIMOT ANG IYONG MGA PANGARAP
Di ba sabi nga, “pag may tiyaga, may nilaga”. Kung HINDI mo pagti-tiyagaan ang isang bagay na gusto mong makamit, paano ka magkakaroon ng nilaga?
Kidding aside, paano ka magkakaroon ng sariling tahanan kung ayaw mo naman magtiyaga sa PAGTA-TRABAHO? Paano ka mapo-promote kung KATAMARAN ang pinapairal mo?
These are some negative results kung hindi tayo matututo na magtiis, magtiyaga at maghintay. And I want to encourage you, kung naiinip ka nang makuha ang gusto mong resulta, chill ka lang and remember this quote: “GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT.”
I really believe in that. Dahil kung hindi ako natutong maghintay, hindi ko napangasawa ang aking lovely wife na si Nove-Ann. Kung hindi ako natutong magtiis, matagal na kong sumuko sa laban ng buhay. At kung hindi ako natutong magtiyaga, hindi ko makakamit ang aking mga pangarap.
Kaya kung nakakaranas ka ng another test of patience, chill ka lang. Pagsubok lang yan para matuto kang magtiis, magtiyaga at maghintay.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nakakaranas ka na naman ba ng test of patience?
Paano mo ito hinaharap?
Ano ang mga natutunan mo along the way?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check out also these other related articles:
- MAIKLI BA ANG PASENSYA MO?
- Matutong Maghintay
- Ang Tunay Na Matagumpay Ay Marunong Magtiis, Magtiyaga, At Maghintay
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.