Single Blog

Magpakatotoo Ka Kung Ikaw Ay Nasaktan

ang taong hindi nagpapakatotoo ay in denial

May mga kilala ka bang mga tao na kapag kausap mo ay okay sila, pero nasasaktan pala ang kalooban nila?

???Kamusta ka????
???Okay naman ako???
(Pero namumugtu na ang mga mata sa kaiiyak)

???Uy, naayos na ba yung problema mo sa asawa mo????
???Nako oo naman! Para nga kaming nasa honeymoon stage uli eh, sweet!???
(Kahit meron siyang pasa sa kanyang mukha)

???Baka yung anak mo binabastos ka na naman ah!???
???Ay nako, milagro nga eh, ang bait bait na niya ngayon???
(Kahit kagabi binagsakan siya ng pinto at ayaw makipagusap ng matino)

Anong common sa mga ito?

Lahat ay example ng pagiging in #DENIAL sa problemang kinakaharap.

Ito ang madalas na nararamdaman ng mga taong #nasaktan, mabigat ang damdamin, tuliro at hindi alam kung ano ang gagawin. At minsan, tinatago sa sarili yung katotohanan para hindi masaktan.

Bakit nga ba tayo ganito?

  • NAHIHIYA kasi baka husgahan ng tao
  • MAPAKITANG MALAKAS kasi kilala siya as someone na kaya ang lahat ng pinagdadaanan
  • WALANG TIWALA SA TAO kasi baka pag nagkwento, baka ma-tsismis.

Marami pang dahilan kung bakit ikinukubli ng mga tao ang kanilang nararamdaman at pinagdadaanan.

Pero alam mo ba na hindi healthy na pasanin mo, solohin mo, at itago mo ang lahat? Sa bandang huli, kapag sobrang bigat na ng feeling mo, baka bigla ka nalang bibigay at babagsak dahil hindi mo na kayang pasanin ang dinadalang mong sakit ng kalooban.

So bago pa mangyari yan, isa lang ang dapat mong gawin.

ACKNOWLEDGE THE PAIN by accepting what???s really going on in your life so that you can begin to work your way towards healing.

Ang tanong, handa ka na bang AMININ at HARAPIN ang tunay mong damdamin? O, hindi mo lang siya papansinin or titiisin mo lang hangga???t kaya mo?

Kapatid, you deserve a break. Hindi aksidente na binabasa mo itong blog na isinulat ko. This is a wake up call for you at sinasagot na ni Lord ang prayer mo.

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you ready to be healed of your pain?
Handa ka na bang harapin ang reality ng life mo?
Handa ka na bang magpakatotoo sa iyong sarili?

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link