May mga kilala ka bang mga tao na kapag kausap mo ay okay sila, pero nasasaktan pala ang kalooban nila?
“Kamusta ka?”
“Okay naman ako”
(Pero namumugtu na ang mga mata sa kaiiyak)
“Uy, naayos na ba yung problema mo sa asawa mo?”
“Nako oo naman! Para nga kaming nasa honeymoon stage uli eh, sweet!”
(Kahit meron siyang pasa sa kanyang mukha)
“Baka yung anak mo binabastos ka na naman ah!”
“Ay nako, milagro nga eh, ang bait bait na niya ngayon”
(Kahit kagabi binagsakan siya ng pinto at ayaw makipagusap ng matino)
Anong common sa mga ito?
Lahat ay example ng pagiging in #DENIAL sa problemang kinakaharap.
Ito ang madalas na nararamdaman ng mga taong #nasaktan, mabigat ang damdamin, tuliro at hindi alam kung ano ang gagawin. At minsan, tinatago sa sarili yung katotohanan para hindi masaktan.
Bakit nga ba tayo ganito?
- NAHIHIYA kasi baka husgahan ng tao
- MAPAKITANG MALAKAS kasi kilala siya as someone na kaya ang lahat ng pinagdadaanan
- WALANG TIWALA SA TAO kasi baka pag nagkwento, baka ma-tsismis.
Marami pang dahilan kung bakit ikinukubli ng mga tao ang kanilang nararamdaman at pinagdadaanan.
Pero alam mo ba na hindi healthy na pasanin mo, solohin mo, at itago mo ang lahat? Sa bandang huli, kapag sobrang bigat na ng feeling mo, baka bigla ka nalang bibigay at babagsak dahil hindi mo na kayang pasanin ang dinadalang mong sakit ng kalooban.
So bago pa mangyari yan, isa lang ang dapat mong gawin.
ACKNOWLEDGE THE PAIN by accepting what’s really going on in your life so that you can begin to work your way towards healing.
Ang tanong, handa ka na bang AMININ at HARAPIN ang tunay mong damdamin? O, hindi mo lang siya papansinin or titiisin mo lang hangga’t kaya mo?
Kapatid, you deserve a break. Hindi aksidente na binabasa mo itong blog na isinulat ko. This is a wake up call for you at sinasagot na ni Lord ang prayer mo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Are you ready to be healed of your pain?
Handa ka na bang harapin ang reality ng life mo?
Handa ka na bang magpakatotoo sa iyong sarili?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also look through these related articles:
- PAIN CAN MAKE YOU A BETTER PERSON
- LEARN TO OVERCOME PAIN
- KUNG SAAN NADAPA, DOON BUMANGON
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.