Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

MASYADO KA BANG MAAWAIN?

December 28, 2018 By Chinkee Tan

maawain

Nung nangutang si kumare, agad agad na nagpahiram.
Kapag nagdemand yung anak, agad agad na nagbibigay.

Isang sabi lang ni Bes, agad agad, wala ng dalawang isip.

“Eh kasi wala siyang trabaho ngayon”
“Sabi naman niya babayaran niya ako”
“Magulang ako eh, kawawa naman anak ko”

Normal sa atin ang pagiging sobrang
maawain at matulungin.

Minsan nga o kadalasan, maski walang wala,
tayo pa mismo ang nagkukumahog
mabigay lang natin ang pangangailangan nila.

‘Di bale ng mangutang.
‘Di bale ng walang matira sa atin

basta maibigay lang ang ating tulong.

Pero healthy ba para sa ating parehas
kung masyado tayong maawain
at sila rin ay nasasanay nang lumalapit sa atin?

If you were to ask me, I don’t think it’s healthy.
Gaya ng sinasabi ko parati,
okay lang tulungan at maawa sa mga taong
tinutulungan ang kanilang sarili, pero sa iba na ginawa
nang habit ang paghingi man o paghiram, may mali na.

Bakit?

Table of Contents

Toggle
  • LAGI NA NILA TAYONG DADRAMAHAN maawain
  • TIGNAN MABUTI KUNG NAKATUTULONG BA TALAGA TAYO maawain
  • KUNG HINDI KAYA, HUWAG IPILIT. maawain
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • WHAT’S NEW?
  • NEW VIDEO 
  • CHINKEE TAN SHOP

LAGI NA NILA TAYONG DADRAMAHAN maawain

maawain(Photo from this link)

“Ikaw na lang ang inaasahan ko”
“Please maawa ka naman”
“Palibhasa wala ka sa kalagayan ko”

So tayo, bilang maawain at minsan
pakiramdam natin na tayo LANG ang kasagutan,
nahahabag tayo sa kanilang kwento.

Huwag tayong magpapadala kaagad
lalo na kung ginagawa na nilang
hanap buhay ang panghihingi.

Kasi sa kada banggit nila ng ‘magic words’
at alam nilang malambot tayo,

uulit ulitin lang nila para makuha
ang kanilang gusto.

Aabusuhin na nila ang kabaitan natin.

TIGNAN MABUTI KUNG NAKATUTULONG BA TALAGA TAYO maawain

maawain(Photo from this link)

Okay lang maawa.
Okay lang magbigay.
Pero sa ginagawa ba natin,
tayo ba talaga ay nakatutulong
o kinukunsinte na natin silang
maging tamad at umasa sa atin?

Magkaiba kasi yung mga taong
gumagawa ng paraan pero kinulang lang
kaya sila humingi ng tulong kumpara sa
nakahilata at tamad kaya sa atin tumatakbo.
Kilatisin nating mabuti ang sitwasyon.
Kasi baka mamaya tayo pa ang maging
dahilan para masanay silang nakasandal lang.

KUNG HINDI KAYA, HUWAG IPILIT. maawain

maawain(Photo from this link)

Huwag sana tayong umabot sa point na
mawalan tayo sa sobrang kakabigay.
Sabi ko nga kung meron, go,
Kung wala, huwag nating ipilit.

Ending niyan, mapipilitan pa tayong
mangutang para sila’y mapagbigyan.

Para sa mga taong hindi gumagawa ng paraan
para itaguyod ang sarili nila, hindi sulit na
isakripisyo natin ang lahat.

Tama na yung minsanan,
pero sana sa susunod, turuan natin

silang kumilos naman.

“Kapag nagpadala tayo sa awa, iisipin nilang parati lang tayong and’yan para sa kanila.
Tumulong kung nararapat pero kung umaabuso na, pigilan ang damdamin para hindi sila mamihasa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sino yung taong laging umaasa lang sa atin?
  • Natutulungan ba talaga natin o nakukunsinte?
  • Paano natin ito babalansehin?

     =====================================================

    WHAT’S NEW?

    BAGONG TAON, BAGONG BUHAY 
    January 5, 2019 . Saturday
    9 PM to 12 Midnight
    via Private FB Group Live
    (Manila Time)
    To register, go to http://bit.ly/2P8kmEM

    MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
    Also available in BULK ORDERS
    To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi

    CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
    How to Retire at 50
    Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
    Secrets of Chinoypreneurs
    To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi

    ONE YEAR Access!

    =====================================================

    NEW VIDEO 

    YAMAN TIPS: 5 SIGNS TO KNOW IF YOU ARE GOING TO BE RICH

    Click here to watch➡➡➡  https://youtu.be/sksnEN2lP8U

    =====================================================

    CHINKEE TAN SHOP

    Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
    Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
    Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
    Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

    Other products: chinkshop.com

     

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Emotional, Family, Finance, maawain, Uncategorized Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.