May pinagdadaanan ka bang mabigat?
Pwedeng:
May karamdaman ang loved ones mo sa buhay.
Hindi mo na alam saan manggagaling ang iyong pambayad.
Feeling mo ay end of the world na?Narinig mo na ba ang “LIVE ONE DAY AT A TIME?”
Yan ang eksaktong narinig kong payo sa isang kaibigan noong na ospital ng 21 na araw ang aking one and only Happy Wife na si Nove.
Minsan siguro minamasama natin ang phrase na ito kasi feeling natin ito’y madaling sabihin pero deep inside mahirap naman talaga gawin.
Ito ang isa sa mga pamamaraan kung paano ko naitawid ang mga araw ng pagsubok, kalungkutan at kawalan ng pag-asa.
Pero sabihin ko sayo, iyan ang magiging susi mo para unti unting humilom ang sugat na nararamdaman mo.
Paano nga ba mabuhay ng ONE DAY AT A TIME?
HUWAG KANG MAGMADALI
Minsan gusto natin ng quick fix at mga posibleng pwedeng gawin para makaraos at malagpasan ang pagsubok. Yun bang tatawagin na lahat ng mga santo at gagawin mo ang lahat para masolusyunan ang problema mo.
Kahit ano ang gawin natin, hindi natin kayang madaliin ang buhay. Give yourself some time to recover, cope, and think. The more kasi na madami kang iniisip at gusto gawin, the less ang chances na magagawa mo ito kasi nao-overwhelmed ka masyado. Ika nga, one at a time lang. You just gotta wait out the process.
REFUSE TO LIVE IN THE PAST
“Ano ba ang nagawa kong pagkakamali?”
“Hindi nangyari siguro ito kung nakinig lang ako!”
“Kasalanan ko ito!”
Yan ang ating line of thinking if we live in the past. We have the tendency to blame ourselves for the mistakes of the past.
“Ano ang ibig mong sabihin, Chinkee? Hindi na tayo dapat matuto sa ating pagkakamali?”
What I’m saying is we should learn from the past, not live in it. There is a big difference between the two.
IDENTIFY THE PROBLEM AND SET A STANDARD
You have to start somewhere. Hindi pwedeng mamoblema ka pero wala ka din namang ginagawa.
Isipin mo kung anong mga hakbangin na pwede mong gawin para maibsan ang pangangamba mo.
Halimbawa, meron bang may sakit sa pamilya mo? Kung oo, imbis na ubusin mo ang oras at lakas mo sa kakaisip, ito ang i-set mong standard sa sarili mo:
‘Maaga na ako gigising para sila ay pagsilbihan’
‘Lagi ko na siya tatawagan para ma-kumusta ko kalagayan niya’
‘Gumawa ng paraan para makatulong sa mga gastusin sa medical na pangangailangan.’
LEARN TO APPRECIATE
Oo, mabigat ang pinagdadaanan mo but that’s just ONE thing. Huwag mong ubusin ang iyong oras at lakas sa kaiisip ng problema at nalulubog na tayo sa ating kinalalagyan.
Imbis na maubos ang oras sa pag-iisip or sa pagkainis kung bakit ito nangyayari, bakit hindi tayo matutong bilangin ang mga magagandang nangyayari sa ating buhay.
Appreciate other things tulad ng ngiti ng mga anak mo, magandang kalusugan mo, other opportunities na naghihintay sa iyo, pagmamahal ng pamilya mo, pagkain sa mesa, at madami pang iba.
Ito marahil ang kulang sa atin, ang mag-appreciate ng blessings natin. We dwell too much on the problem na nakakalimutan na natin ang MAGPASALAMAT.
Alam niyo, ang problema kahit gaano pa kaliit o kalaki will no doubt be solved by God. Kaya nga ang tanging solusyon sa ating problems ay matuto tayong SUMUKO SA DIYOS at IPAGKATIWALA SA KANYA kung ano ang GUSTO NIYANG mangyari sa ating buhay.
Kapag nakita mo kasi ang mga ito sayo, it’ll reflect on how you look, act, and think.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong problema o pagsubok ang pinagdadaanan mo ngayon?
Paano mo mai-apply ang ‘live one day at a time’ sa buhay mo para malampasan ang dagok sa buhay?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to enjoy life? Check out these other related articles on how to live a fruitful life:
- DO YOU WANT TO DO GOD’S WILL IN YOUR LIFE?
- Gratitude is an attitude
- 3 Ways To Reduce Stress In Life
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.