Sanay ka ba sa lipat-lipat strategy?
Kapag ayaw sa trabaho, lipat ng kumpanya.
Nung napagalitan ng boss, apply sa iba.
Lumipat lang si bff ng kurso, sumunod din sa kanya.
Dalawang buwan pa lang ang business, susukuan na ka’gad.
Ito yung tinatawag nating lipat-lipat strategy.
Lipat ng lipat.
Hindi mapakali.
Hindi tumatagal dahil lahat gusto subukan.
“Eh yung boss ko kasi pinepressure ako”
“Hindi pala okay mga prof du’n”
“Liit ng sweldo ko du’n, ‘yoko na”
Kaya tuloy, kakalipat natin
nagiging putol putol ang journey natin,
wala tayong nararating.
Imbis na, ipaglaban natin kung asa’n tayo ngayon
at subukan muna bago magreklamo,
eh masyado mataas ang pride natin.
Ayaw natin nahihirapan,
napapagsabihan, nape-pressure,
o nalalagay sa alanganin.
Of course we don’t want that in general
pero ang problema kasi,
hindi pa man natin nasusubukan,
hindi pa man tayo tumatagal,
iniisip na kaagad natin kung saan lilipat
imbis na isipin kung paano tatagal
at magagawa ng maayos ang trabaho o pag-aaral.
Bakit?
FEELING NATIN MASYADO TAYONG MATAAS AT MAGALING lipat
(Photo from this Link)
“Graduate ako ng _____, tapos mag xe-xerox lang ako?”
“Sino ba siya para sigawan ako eh bago lang naman s’ya?”
“Mas matagal ako sa kanya noh ‘kala mo kung sino umasta”
“Cum Laude kaya ako. Baka makatikim s’ya sa ‘kin!”
Nakakatawa na nakakainis kapag
may nakakasalamuha tayo nang ganito.
Yu’n bang mataas masyado ang tingin sa sarili
kaya hindi pwede mahirapan o pagalitan nino man.
Everything that’s happening in our life is our concern.
Kaya nga kung health related na at emosyon ang usapan,
sige go lang, walang pumipigil.
PERO kung gusto lang
natin lumipat-lipat dahil lang feeling natin
mataas tayo masyado, eh yu’n ang mali.
Gumraduate man tayo with honors, naging
manager man sa dating kumpanya,
pautos-utos lang sa staff dati, o
teacher’s pet man — those are not reasons
para magpabago bago ng isip.
In a realistic world, lahat pantay-pantay.
Lahat back to zero when we start in a
new company or new school.
WE MIGHT NOT REACH OUR DESTINATION lipat
(Photo from this Link)
Kapag choosy tayo,
lagi tayong 1st year sa bawat kurso.
One year lang lagi ang tinatagal natin.
..and that’s not good.
Puro tayo simula, kaya wala tayong natatapos.
Sayang yung oras na pwede natin sana
pag-aralang mahalin at i-appreciate
kung nasaan tayo ngayon.
Hindi lang yu’n, sayang ang pera,
panahon, effort, and opportunity
to finish something.
Ayan na eh, baka malapit na yung
hinahangad natin, pero naudlot
kasi lumipat tayo sa mas convenient.
Think about this:
Paano kung isang bonggang presentation
na lang, mapopromote ka na?
Paano kung ilang araw na lang,
makakabenta ka pala sa client ng condo unit?
Paano kung for retirement na pala
yung supervisor mo at ikaw
pala ang tinitignan na candidate for line up?
Oh ‘di ba? Sayang naman kung hindi
natin pagti-tiyagaan. Have faith lang.
Because…
WE WILL REAP WHAT WE SOW lipat
(Photo from this Link)
Sabi nga, ibibigay sa atin
kung ano ang nararapat sa tamang
oras na itinakda ng Panginoon.
Ang masipag, mapagpasensya,
determinado, at motivated na umangat,
walang duda, ibibigay ‘yan sa atin.
Yun nga lang, kailangan natin
maghintay para sa oras na iyon.
Wala namang nagtatagumpay
ng overnight lang — lahat dumadaan
sa napakahabang proseso at hirap.
But again, in the end,
aanihin natin kung ano ang ating itinanim.
“Hindi maganda ang magpalipat-lipat lalo na kung walang valid na dahilan.
Subukan muna, pagtiyagaan, at pag-aralan mahalin dahil
baka ito ang talagang nakatakda para sa atin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Mahilig ka ba magpalipat-lipat?
- Bakit? Ano ang hindi mo nagugustuhan?
- Valid reason ba o hindi?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P499- Early Bird Rate
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“GUSTO MAG NEGOSYO PERO NATATAKOT?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2BVi2j6
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.