What limits you from living the life you want?
Anong mga bagay ang humahadlang sa ‘yo para makuha ang gusto mo?
Simple lang ang sagot. Ikaw. Oo, ikaw mismo. Ikaw na nagse-set ng mga goals mo sa buhay.
OUR TWO SIDES
Each of us has two sides – the positive and the negative side.
Our positive side makes us a winner. Ito yung side natin na malakas ang loob mag-take ng risks, bumangon, at lumaban sa bawat hamon ng buhay. Ito ang side natin na naghahangad maging mas mabuting tao tayo sa bawat araw.
Our negative side naman makes us a loser. Playing safe ang side na ito. Duwag. Go with the flow lang sa buhay. Okay lang kahit naka-stuck lang sa iisang sulok ng mundo. Okay lang kahit nakakulong sa isang nakaka-suffocate na kahon. Takot i-explore ang mundo.
MAY CHOICE TAYO
Lahat tayo may kakayahang mamili kung alin sa dalawang sides na ito ang paiiralin natin sa bawat araw.
Ikaw ang mamimili kung ngayong araw ay gagawa ka ng paraan para i-improve ang sarili mo at makalakad papunta sa direksyon ng pangarap mo. O kaya naman, idi-discourage mo ang sarili mo sa paggawa ng mga produktibong bagay dahil iniisip mo na hindi mo kaya at magkakamali ka lamang.
Madali lang naman mag-isip ng negative things tungkol sa sarili natin. Madali lang sisihin ang ibang tao sa kalagayan natin.
Pero madali lang din naman maging positive sa buhay. Madali lang din mangarap, mag-set ng goals, at mamuhay sa bawat araw na may isang hakbang patungo sa pangarap.
CHOOSE THE BETTER SIDE
Tandaan natin: hindi natin kalaban ang mundo. Ang kalaban natin ay ang sarili natin. Ang kalaban natin ay ang negative side natin na nagsasabing “hindi ko ito kaya.”
Nasa sa ‘yo kung anong side ng sarili mo ang pipiliin mo. Araw-araw may pagkakataon kang pumili. At sana sa mga susunod na araw at panahon, piliin mo ang positive side na magpapanalo sa ‘yo sa buhay.
“Kung may pagkakataon ka namang mamili araw-araw kung paano ka mamumuhay, palagi mong piliin kung ano ang mas tama at mas makakapagpabuti sa ‘yo.”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Positive ka ba o negative na tao?
- Ano ang mga negative thoughts mo sa sarili mo?
- Paano mo mareresolba ang mga negative thoughts na ito?
—————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.