“Napaka-unfair naman!”
“Siya na nga ang mali, siya pa ang naging tama!”
“Nagsinungaling na nga siya, siya pa ang kinampihan!”
“Wala siyang ginawa. Bakit siya ang na-promote?”
Have you ever felt injusticed?
Feeling mo ba na napaka-unfair para sa iyo?
Well, friendship…hindi ka nag-iisa!
I’m sure na lahat tayo ay merong napagdaanan or pinagdadaanan na ganitong sitwasyon.
Pero bago ka tuluyang mainis, magalit, at magmukmok…
Basahin mo muna itong blog na ito at alam kong ito ay makakatulong sa iyo.
WHAT YOU SOW IS WHAT YOU REAP.
Kung nagtanim ka ng kamatis, ano ang tutubo?
Kamatis!
Pero may iba rin na gustong magtanim ng kamatis, pero ang gustong anihin ay UPO!
“Huh? Pwede ba ‘yun?”
“Impossible!”
The same is true in our lives.
Nagtanim ka ng masama, aani ka ng kasamaan.
Nagtanim ka ng mabuti, aani ka ng kabutihan.
Lahat ng ginagawa natin ay maaaring bumalik as a reward or a consequence. You choose. Some may say it is “karma”, but I say…“you reap what you sow”.
WE ARE ACCOUNTABLE FOR OUR OWN ACTIONS.
Tayo ang gumawa ng mali, tayo ang mananagot. Hindi natin maaaring isisi sa pagkakataon at sa ibang tao ang nagawa nating kasalanan.
“Pinilit lang naman ako.”
“Wala akong magawa.”
“Kung hindi ako makikisama, papatayin nila ako.”
“Maliit lang kasi ang sweldo ko, kaya ko ito nagawa.”
We need to remind ourselves, no matter what our excuse may be, choice natin ito. Kung ayaw nating mahusgahan at maparusahan, huwag tayong bumigay sa tukso at gumawa ng mali.
THE CONSEQUENCES OF OUR MISTAKES ARE NOT IMMEDIATE.
It takes time. It takes time to plant and it also takes time for it to harvest. Hindi porke???t nakalusot ka sa umpisa, makakalusot ka na lang palagi. Feeling kasi ng mga nakalusot ay parang wala itong katapusan. Tandaan, pwedeng ikaw ang nasa pwesto at may kapangyarihan ngayon. Pero darating rin ang panahon na ikaw ay mawawala sa kapangyarihan. At tandaan mo rin, kung ano ang itinanim, ito rin ang ibubunga. Darating ang panahon na lalabas rin ang katotohanan at doon na tayo sisingilin ng lubos.
Kaya, kapatid…bago ko tapusin ang blog na ito…
Sikapin nating sumunod sa batas, kahit hindi sumusunod ang iba.
Sikapin nating magsabi ng totoo, kahit may ibang nagsisinungaling.
Sikapin nating gumawa ng tama, kahit ito ay napakahirap gawin.
HIndi na baleng maghirap, basta mabuhay lang ng tapat at kaysa yumaman na gumagawa naman ng kamalian.
Kaya nga, I was so inspired sa sinabi ni Pres. Duterte:
“Let me say clearly that those who betray the people???s trust shall not go unpunished, and they will have their day in court.”
Walang lusot, ‘ika nga. Lahat ng nagkasala at sumira sa tiwala ng taong bayan ay siguradong mapaparusahan.
Thank you, Lord! Magkakaroon na po kami ng hustisya at may gobyerno ngayon na may katarungan at pagmamalasakit.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong masasabi mo sa blog na ito?
Minsan na bang nasira ang tiwala mo sa isang tao?
Anong mararamdaman mo kapag hindi naparusahan ang mga dapat parusahan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
- Tips To Have A Healthy Happy Life
- Why God Gives Us Challenges
- KNOWING YOUR PURPOSE IN LIFE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.