“Hindi ko kaya ‘to.”
“It’s too late for me to change.”
“I don’t think this is for me.”
May mga sinasabi ka bang ganito sa sarili mo o iniisip mo pa lang ngayon?
Alam niyo ba kung bakit karamihan sa atin ay nawawalan ng lakas ng loob, determinasyon, at tiwala sa sarili?
Dahil ‘yan sa pagiging-NEGA!
It builds up and eventually turns to “lies” that we keep telling ourselves hanggang sa maging totoo ito.
Feeling tuloy natin, since nangyari na minsan ang naisip nating hindi maganda, eh ‘yun na talaga ang totoo at destiny natin.
Or sometimes, we end up believing na kung may magandang nangyari sa ating buhay, siguradong masusundan ito ng isang negatibong pangyayari.
But the truth is, tayo lang ang nag-iisip ‘nun kaya ito nangyari.
It happens because we focus more on the wrong things and did not give positivity a chance to enter our lives.
Ano pa nga ba ‘yung ibang bagay na lumalason sa ating isipan na nakakamenos sa tiwala natin sa ating kakayahan?
‘BUTI PA SILA, KAYA NILA. AKO, HINDI.
Naku, isa ito sa numero unong dahilan kaya hindi natin nagagawa ang mga gusto nating gawin. Tumitigil tayo agad dahil iniisip nating sila lang ang may kaya.
Instead of saying, ‘BUTI PA SILA:
“…kaya nilang bumili ng sariling bahay. Ako, hindi.”
Try telling yourself, KAYA KONG:
“…bumili ng sariling kong bahay.”
Instead of saying, ‘BUTI PA SILA:
“…wala nang utang. Ako, ang dami pa.”
Psyche yourself up, KAYA KONG:
“…maging debt-free.”
Instead of saying, ‘BUTI PA SILA:
“…maganda ang trabaho. Ako, hirap makahanap.”
Remind yourself, KAYA KONG:
“…makahanap ng magandang trabaho na gusto ko.”
Again, it’s all about changing your perspective. Wala namang dahilan para hindi natin kayanin o abutin ang mga ito dahil meron din tayong likas na talino, talento, at kakayahan.
‘ETO ANG NARARAMDAMAN KO, EH!
Most of the time, we base our decisions on how we currently feel.
Kapag tinatamad, ‘di na papasok.
Kapag wala sa mood, magagalit na lang bigla.
Kapag na-disappoint, ayaw na sumubok uli.
Kung lagi tayong ganito, ‘di malayong makakagawa tayo ng mga bagay na hindi tama dala ng bugso sa damdamin.
We should not let feelings dictate our decisions and actions. Instead, tayo ang magdidikta at magse-set ng tone kung ano ang dapat nating maramdaman – regardless of what we’re going through.
MASYADO AKONG ______ PARA ______.
Masyado akong…
- “Matanda para makahanap ng trabaho.”
- “Bata para maging manager.”
- “Lubog sa utang para makaahon pa.”
- “Nasaktan para makalimutan ko ang ginawa niya.”
Bakit hindi mo baliktarin ang declaration mo sa sarili mo?
Sa halip na negatibo at problema, bakit hindi na lang tayo mag-isip ng mga positibong bagay at mga solusyon?
MASYADO AKONG maraming alam PARA hindi makahanap ng trabaho.
MASYADO AKONG bata PARA marami akong energy sa trabaho.
MASYADO AKONG bagsak PARA hindi makaahon. Wala na akong pupuntahan kung hindi pataas.
MASYADO AKONG nasaktan PARA hindi matuto sa karanasan kong ito.
Na-gets mo na ba?
Kung kaya at may paraan, GO FOR IT!
MALAS KO TALAGA. LIFE IS UNFAIR.
There’s no such thing as “MALAS” na tao. Hindi porke’t hindi pa natin narating ang gusto natin, eh malas na tayo kaagad.
Ang tagumpay ay para sa taong naghanda, nagsipag, nagtiwala sa sarili, at marunong maghintay.
Halimbawa:
- Magkakatrabaho lang kung magsisipag maghanap.
- Makakabayad lang ng utang kung matututong mag-tipid, mag-budget, at dumiskarte.
- Mapo-promote lang kung ibibigay ang 100% effort.
We are no different from others. ‘Ika nga, lahat tayo ay pantay-pantay sa simula – nasa ating mga kamay nga lang kung ano ang pipiliin nating direksyon sa buhay.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang kadalasan mong sinasabi sa sarili mo kaya minsan, nagiging atrasado ka?
Anong mga bagay o opportunity ang nawala sa iyo dahil dito?
Paano mo ito haharapin ngayon para walang masayang?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article bring you inspiration? Here are some more related posts:
- HINDI KA BOBO, TANGA, at PANGIT!
- TUNAY NA KAGANDAHAN
- Negative, Agad-Agad?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.