Sasakay lang ng jeep with bes, magpaparinig pa ng:
“Baka naman manlibre ka pa bes ah”
Dahil nakita lang inilibre ni
classmate ang iyong bestfriend,
“Uy ako din! Daya naman!”
Nakasalubong lang ang galanteng kaibigan,
“Manlibre ka naman! Yaman yaman mo eh”
Confidence to the highest level, kapatid!
Ganito ka rin ba minsan? o di kaya’y
May kakilala ka bang ganito?
Madalas? O araw-araw?
Hindi ko kinakaya ang ganitong guts!
Baka kailangan nang mag-face check?
I-check kung kumakapal na ba?
O manipis pa ang balat ng ating mukha.
Friendly reminders lang, kapatid…
ANG PAGPAPALIBRE AY NAGPAPAKAPAL NG MUKHA KUNG SOBRA-SOBRA NA
(Photo from this Link)
Sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama
at ang kulang ay hindi maganda.
Hindi naman masama kung
magpalibre nang minsanan.
Pero tanungin at pakiramdaman kung
bukal sa kalooban ng tao ang manlibre o
baka nama’y napipilitan lang dahil
nahihiyang lang sila humindi.
Huwag magpakamanhid.
ANG PAGPAPALIBRE NANG HUSTO AY NAKAKA-ABUSO RIN
(Photo from this Link)
Sa sobrang pagpapalibre nang out of boundary
kahit gaano pa natin sila ka-close
ay nakapagbibigay mensahe nang pagka-iresponsable.
It’s as good as saying, kaya pa namang magtrabaho,
kumita at gastusan ang sarili pero bakit umaasa lang
sa libre ng ibang tao?
Ang sana’y ‘blessing’ sa ibang tao ay nagiging ‘curse’
dahil sa pang-aabuso natin ng kanilang kabaitan at
kapasidad na gumastos.
NAKAKABABA NG MORAL ANG PALIBRE NANG PALIBRE
(Photo from this Link)
Para nating ibinababa ang halaga natin bilang tao
sa pagiging makapal ang mukha at pang-aabuso ng kapwa.
Hayaang sila ang mag-share nang kusa ng blessings
na natatanggap nila.
It’s as if we are being
a ‘user-friendly’ in our own way.
May pinag-aralan tayo, gamitin ito sa tama.
“Tandaan na ang salitang LIBRE ay nakasasama sa mga taong umaabuso
at may makapal na mukha.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ‘yung tipo ng tao na nagpapalibre araw-araw?
- Ilang beses mo itong ginagawa in a day?
- Magkano ang halaga ng mga ipinapalibre mo sa tuwing ginagastusan ka nila?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ HOW TO PREPARE FOR TUITION FEE EXPENSES”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2z1FJ2x
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.