Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

PETMALU KAPAG MAY LIBRE!

November 9, 2017 By Chinkee Tan

LIBRE

“Uy libre!”

“Yes! Makakamenos na naman ako!”

“Sasama ‘ko! Sayang ang biyaya.”

 

May kilala ka bang PETMALU kapag may libre?

Madinig lang yung salita, mabilis pa sa alas-kwatro!

 

ANO ANG SIGNS NA IKAW AY PETMALU?

 

Nag-aya ng dinner ang kaopisina,

ayaw sumama kasi gagastos.

Pero nung sinabing “LIBRE KITA”,

aba, eksaktong 5pm nag-timeout na sa sobrang excitement.

 

Sa grocery, nakahilera ang mga free taste na pagkain at inumin.

Bawat madaanan, titikman at iinumin, tapos pabalik-balik pa!

Maski naubusan na, WILLING TO WAIT pa sa next batch.

 

Sa party, pinakain na, nakuha pang magbitbit ng supot

para palihim na makapag take-out.

Sabay alis na parang walang nangyari.

 

Sa mga job fair o housing fair, ‘di bale ng malayo at madaming tao,

makakuha lang ng mga libreng eco-bag na may

pamaypay at ballpen kahit wala namang pakay doon.

 

Hindi naman masama kumuha ng libre.

Nandiyan iyan para ma-experience natin.

Pero huwag din sana tayo abusado.

Hindi na ito tama dahil masyado na tayong ‘kapalmuks’.

 

Ano ba yung mga kailangan nating tandaan bago pa matawag na petmalu?

 

Table of Contents

Toggle
  • BE SENSITIVE
  • HUWAG MAGING ABUSO
  • SPEND FOR YOUR OWN NEEDS
  • THINK. REFLECT. APPLY.
    • NEW VIDEO ON YOUTUBE:
    • DIARY OF A PULUBI
    • MONEYKIT PACKAGE

BE SENSITIVE

libre

(Photo from this Link)

May mga kaibigan tayong sadyang mabait at generous.

Sila yung laging nagsasabing:

“Ako na!”

“Sagot ko na yan.”

“Sus, maliit na bagay.”

 

Pero hindi ibig sabihin na kakagatin natin ito parati.

Let us remember na pare-parehas tayong nagta-trabaho at

may mga pinagkakagastusan din.

 

Let us be sensitive.

Minsan, tayo naman ang manlibre

o di kaya’y KKB na lang.

 

HUWAG MAGING ABUSO

libre

(Photo from this Link)

Yung tipong hindi sasama dahil hindi libre.

Hindi na gumagasta dahil nabusog na.

Magdadahilan pag ayaw maglabas.

 

Sabi ko nga, okay lang naman kumagat dito.

Pero yung nabubuhay na tayo sa libre at hingi,

huwag naman gano’n.

 

SPEND FOR YOUR OWN NEEDS

libre

(Photo from this Link)

O sige, nakakuha na tayo ng goodies.

Kung kulang pa, dapat manggaling na

sa sarili nating bulsa.

 

May kasabihan nga na kapag kulang pa

e tayo na ang mag-puno.

 

Magpasalamat sa libre at kung tingin nating bitin pa,

baka meron namang alternative

na hindi na kailangang idaan sa hingi.

 

“Okay lang tumanggap ng libre pero wag naman sanang abusuhin.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May kilala ka bang petmalu sa libre?
  • O ikaw ba mismo ay ganito?
  • How can we control this habit?

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE:

“3 Essential Things in Working at the Entertainment Industry ”

Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/Jp_xGVH1n1U

=====================================================

DIARY OF A PULUBI

BULK ORDER PROMO AVAILABLE

Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!

10 Books P750 / Free Shipping

20 Books P1,500 / Free Shipping

40 Books P3,000 / Free Shipping

Available NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡  http://bit.ly/2xZMhSi

=====================================================

MONEYKIT PACKAGE

1 Moneykit + 8 Books

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z

 

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Uncategorized

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.