Marami sa atin ang natatakot ngayon dahil sa mga kaganapan sa ating bansa. Nandyan ang pagkakaroon ng takot na mawalan na ng makakain, mawalan ng trabaho, mawalan ng negosyo at marami pang iba.
Kaya naman ngayon, nais kong magtulungan tayo upang lahat ay sabay-sabay na makaahon. Nais kong tulungan n’yo rin ang iba kahit sa simpleng paraan.
SELF REFLECT
Unang-una sa lahat, alamin mo kung nasaan ka ngayon. Ikaw ba yung hirap na hirap sa sitwasyong ito? Ikaw ba yung nakakaluwag-luwag at may maibibigay sa iba o ikaw ba yung sapat lang ang naitabi para maka-survive sa panahong ito?
Mula dito, ano ang gusto mong baguhin at alisin para hindi na mauwi sa ganitong kalagayan. O kaya naman, ano naman ang gusto mong i-retain at i-sustain dahil ito yung nakikita mong tamang ginawa mo na dapat mo pang ipagpatuloy.
SET CLEAR FINANCIAL GOALS
“Dapat matutunan ko kung paano magsimula ng negosyo online.”
“Dapat may emergency fund ako para handa sa mga pagsubok.”
“Dapat alisin ko na ang mga hindi naman kailangan pagkagastusan lalo na ang mga bisyo at luho.”
Ganito na tayo dapat mag-isip. Huwag lang natin isipin ang problema sa puntong ito. Kailangan maghanap na tayo ng solusyon at magsilbing aral ito sa ating lahat.
SPEND MORE TIME WITH HIM
Nagkataon din na lenten season ngayon. Pagkakataon din para ipagdasal natin ang ating sarili at ang buong mundo para sa kaligtasan at proteksyon mula sa ating Panginoon.
Hinding-hindi Niya tayo iiwan at pababayaan. Mahal tayo ng Diyos kaya huwag nating ubusin ang lahat ng natititrang lakas at oras natin para lang sa takot at pangamba.
“Surrender all your fears to the Lord because
the Lord loves you more than you love yourself.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang financial goals mo ngayon?
- Paano mo mas palalawigin ang iyong kaalaman para matutunan ang iba’t ibang bagay?
- Gaano katibay ang iyong paniniwala at pagmamahal sa Panginoon?
Watch this video:
SPIRITUAL AND PRACTICAL ADVICE with Bo Sanchez
ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?
If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!
Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER”
Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.