Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

LAST NA, PRAMIS!

March 25, 2019 By Chinkee Tan

Meron ka bang mga bagay na kinaadikan na gawin?
Tulad ng paglalaro sa cellphone o computer?
Pagkain sa mga Korean resto o pag-inom ng milk tea?
Pamimili ng mga damit, bag, o sapatos na walang preno?

Na sa sobrang dalas at kapag nakararanas tayo
ng mga consequences, napapasabi tayo ng:
“Last na, pramis!”

Kapag paubos na ang pera kakashopping.
“Last na, pramis!”

Kapag sumakit ang lalamunan kaka milktea…
“Last na, pramis!”

Kapag masakit na ulo sa puyat kakakompyuter…
“Last na, pramis!”

Okay sana kung totoo pero kung
lagi na lang nating sinasabi pero
‘di naman ginagawa. Bale wala rin.

Ang masama pati kapag napapahamak na
pero ayaw pa rin natin tigilan.
‘Di natin minsan maintindihan kung
ano ba hinihintay natin just to finally stop.

Kapag last na last na.
Dapat…

WE SHOULD BE TRUE TO OUR WORD

(Photo from this link)

Kapag sinabing last na, last na.
Hindi yung sinasabi lang natin ito para
lang mapagtakpan o ma-justify ang isang habit.

“Ang hirap kasi talaga”
“Eh nakakatempt kasi yung itsura”
“Nadala lang ako sa sinabi kong last na noon”

Bakit nga ba natin sinasabing LAST NA?
Kasi may mali?
Kasi masama?

O kaya hindi na maganda ang dulot ‘di ba?
Kasi kung hindi at lagi lang
parang sinasabi sa hangin yung pangako
nating iyon sa sarili, tayo rin ang kawawa bandang huli.

KNOW WHAT HINDERS YOU FROM CHANGING

(Photo from this link)

Bakit ba hanggang salita lang tayo?
Naiimpluwesiyahan ba?
Hindi
natin talaga sineseryoso?
Pabago bago ang isip?

“Kasi ‘pag sweldo, naaaya ako lagi ng officemates”
“Pag napapadaan kasi ako sa mall, nahihikayat ako”
“Naiinip kasi ako kaya mobile games na lang.”

Once we have identified the cause
mas
madali para sa atin na magbago.
The change will start
from admitting
what’s wrong and not denying.

Kapag laging inaaya, say NO next time.
Umiwas sa mall at magpalit ng route pauwi.
Maglinis ng bahay o tumulong kina Nanay para hindi naiinip.
Kapag klaro ang cause,
mas klaro rin ang solusyon.
Kung hindi na kaya at hirap talaga…

ASK HELP KUNG KAILANGAN NA

(Photo from this link)

Hindi natin kayang magbago ng mag-isa.
Mangangailangan at mangangailangan talaga tayo
ng mga taong pwedeng tumulong sa atin at
magpaalala na hindi na maganda yung ginagawa natin.


“Friend, naka tatlo kana today ah”
“Bes, matulog ka na”
“Kukunin ko ang cellphone mo tuwing 10pm”
Someone na pakikinggan natin at susundin.

Para unti-unti, matanggal na sa atin
yung habit iyon.

“Kapag sinabing LAST NA, dapat LAST NA. Lalo na kung ang ginagawa natin ay ikapapahamak na.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  • Ano yung mga habit na sinasabihan mo ng “Last na, pramis!”?
  • Bakit nahihirapan kang tuparin ito?
  • Sino ang pwede mong makatulong para maalis na ang habit na ito?
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Uncategorized Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Piso Planner

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.