LALABAN KA PA BA?
Na reject ka na ba?
Na indyan ka na ba?
Nasabihan ka na ba na walang mangyayari sa sales career mo?
Mga kapatid, if you’ve gone through many rejections, you are not alone.
Alam kong napakasakit na may reject sayo.
Pero hindi ibig sabihin na failure ka at tapos na ang laban.
You just need to understand…
A ‘NO’ DOESN’T MEAN THAT YOU CAN’T DO IT
May mga pagkakataon na hindi sumasang-ayon ang mga kasama natin sa mga suggestions or ideas natin. Pero tandaan mo na hindi porket negative ang reaction hindi ka magtatagumpay.
Kapag nag “NO” sila it sometimes mali lang ang timing.
Minsan wala pa silang pera o hindi pa nila talaga kailangan ang produkto.
Kung ikaw ay nagbebenta ng fire extinguisher, hintayin mo na mag kasunog na malapit sa kanila.
Kung ikaw ay nagbebenta ng car insurance, hintayin mo na mabasag kotse sila.
Kung ikaw ay nag oofer na healthcard, hintayin mo na may ma ospital sa kanila.
Maniwala ka, huwag ka lang umayaw, timing lang yan!
Second reason is, in sales we are not looking for people who want to say no to us but….
LOOK FOR PEOPLE WHO WILL SAY “YES”
Look for people who will support you no matter what it takes.
Sila yung right-minded people na naniniwala sa kakayahan mo to make something happen, whether it’s a product, anew business venture, a new idea, or any suggestion that will create some change.
Sila din yung mga taong masaya sa kung ano ang gusto mong simulan o iparating dahil para sa kanila simple man ito o mahirap, alam nilang magagawa mo ito.
THINK. REFLECT. APPLY
Kamusta na, marami ka na bang na experience na rejection?
Ano ang attitude mo tuwing an re-reject ka?
Tumatapang ka ba lalo o nanghihina ang iyong loob?
REJECTION IS NOT A SIGN TO QUIT BUT TO CONTINUE & MOVE ON
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.