Hindi daw tayo magaling.
Hindi daw tayo a-asenso.
Wala daw tayong talento.
Minsan hindi natin maiwasang makarinig ng iba’t – ibang uri ng pang-iinsulto at ma- lait.
Ang masakit pa nito, galing ito sa mga malalapit sa atin.
Nakakasama ng loob.
Nakaka-degrade.
Wala naman tayong ginagawa, pero tayo ang easy target nila.
Paano natin ito haharapin?
I just want to remind you that malamang sa malamang..
INSECURE SILA
(Photo from this Link)
Nasasabi nila ang mga bagay na iyan dahil meron tayong skills na wala sila.
Or baka tayo ang napansin at nabigyan ng credit kaya sila naiinis.
Pwedeng nakabayad tayo ng utang dahil nag-pursige tayo, habang sila gipit pa din.
Trash talking makes them feel na nakaganti at naka-angat na sila.
IT’S NOT ABOUT YOU
(Photo from this Link)
Kung sa relationship merong: “It’s not about you, it’s me.”
Meron din ganitong hugot kapag nakakarinig tayo ng masasakit na salita.
In this case..
“It’s not about you, it’s THEM”.
Sila ang may problema at hindi ikaw.
They use their time to talk negatively to other people imbis na maging productive at mag-focus sa mas mahahalagang bagay.
GUARD YOUR SELF-ESTEEM
(Photo from this Link)
Ayaw na pumasok kasi lagi pinagti-tripan.
Gusto mag-resign kasi lagi na lang pinag-uusapan.
Iniisip na hindi tayo maganda o gwapo dahil sabi nila.
Kapatid, YOU ARE BETTER THAN THAT.
Huwag hayaang lumubog at masira ang tingin sa sarili dahil sa mga sinasabi nila.
Lumaban by ignoring them and doing what you do best.
“Ang insecure, expert MANLAIT at HINDI MATAHIMIK”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino yung mga nang-iinsulto sa ‘yo?
- Paano mo ito haharapin?
- Naniniwala ka bang higit ka pa sa sinasabi nila?
=====================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“10 Reasons why people go BROKE”
Watch the video now by clicking this link: http://bit.ly/2eS2BdQ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.