Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

LABAN LANG, FRIEND!

June 20, 2018 By Chinkee Tan

LABAN

Anu-ano ang iyong pinagdadaanan ngayon?

  • Nag-away kayo ni misis o mister?
  • May pasaway na anak?
  • Hinahabol ng maniningil?
  • Kulang na kulang ang pambayad?
  • Nalugi ang negosyo?
  • Naloko ng kaibigan?

Kahit alin pa dito,
normal lang naman makaramdam ng
inis, galit, o frustration.
Problema ‘yan eh.

Pero ang problema,
lahat may solusyon ‘yan.
Hindi dapat tinatambayan.

Nagsisimula ito sa paniniwala na:
KAYA NATING LABANAN at LAGPASAN!

Kasi kung sa simula pa lang:
“Wala na ‘tong pag-asa.”
“Hindi na ako makalalabas sa sitwasyon na ‘to.”
“Hanggang dito na lang ako.”

…hindi tayo makakausad.

Kasi kung baga simula pa lang,
binara na natin yung opportunity
na kaya nating makaalis sa kinalalagyan natin ngayon.

Dapat natin tandaan…

Table of Contents

Toggle
  • “PROBLEMA LANG ‘YAN!” LABAN
  • HUWAG MAHIYA HUMINGI NG TULONG LABAN
  • MAHALIN ANG SARILI laban
  • GUMAWA NG PARAAN laban
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • IPON KIT
  • IPON DIARY:
  • DIARY OF A PULUBI
  • NEW VIDEO ON YOUTUBE
  • MONEYKIT

“PROBLEMA LANG ‘YAN!” LABAN

LABAN(Photo from this Link)

Again, repeat, “Problema LANG ‘yan!”

Maaring mabigat o tingin nating
halos wala ng kaayusan ang lahat
but remember, GOD IS BIGGER THAN OUR PROBLEMS.

Agree?
Yes, we should all agree.

Naalala mo ba yung mga panahong
dumaan din tayo sa matinding problema?
Nalusutan naman natin ‘di ba?
Okay naman tayo ngayon ‘di ba?

Kasi He carried our burden and solved it
in the best way He can.
Hindi naman Niya tayo pababayaan.

Same thing with what we are going through.
Kapit lang, keep your FAITH in Him.
Siya na ang bahala.

HUWAG MAHIYA HUMINGI NG TULONG LABAN

LABAN(Photo from this Link)

I remember one time, may nakausap ako sa FB.
She was asking for help kasi lubog na lubog na s’ya sa utang.
Lubog as in hindi na s’ya makatulog, makakain, at
hindi na nagtatrabaho ng maayos.

Ang catch, WALANG NAKAKAALAM
sa pinagdadaanan niya. As in siya lang.
Ni asawa o anak, wala talaga.

Bottom line is, when we can’t bear it anymore,
tandaan na kaya nandiyan ang ating pamilya
at kaibigan, para tayo ay may masasandalan.

“Eh baka kasi sabihin pabaya ako.”
“Baka i-tsismis ako sa opisina.”
“Ayoko baka mag-iba tingin nila sa akin.”

No. Don’t think that way.

Ang taong ating lalapitan
ay yung mapagkakatiwalaan at maaasahan.

Dahil kahit pagbalibaliktarin,
we can’t do it alone.
Malay natin, by just sharing,
nasa kanila pala ang kasagutan or
at least mahingahan man lang natin
para gumaan ang tinik sa dibdib.

MAHALIN ANG SARILI laban

laban(Photo from this Link)

Don’t be too hard on yourself.
Huwag nating hayaang masakripisyo
ang ating mga sarili sa mga panahong ito.

Kapag ba hindi tayo kumain, natulog,
nagpahinga, o mag break kahit sandali,
malulutas ba ang problema?
Hindi naman ‘di ba?

Mas lalo tayong manghihina at hindi makakaisip
ng gagawing next step para malutas ito.

Give yourself some time to breath.
Para when we have enough energy,
ready na tayong harapin ito uli.
Mas makakapag-isip na tayo ng maayos.

Besides sabi ko nga, we have God,
kaya let us stop worrying.

GUMAWA NG PARAAN laban

laban(Photo from this Link)

Hindi lang natin basta tititigan
at iiyakan ang problema.

The moment na recharged na tayo,
#GalawGalawPagMayTime!

Kung…
Lubog sa utang:

  • Maghanap ng sideline
  • Magbenta ng kahit anong valuable

Nakasakit ng kaibigan o nagtalo kayong mag-asawa:

  • Makipag-usap ng harapan at magsorry
  • Show sincerity na hindi na uulitin

Nalugi sa negosyo:

  • Tignan at ilista ang mga pagkakamali
  • Isa-isang itama para makabangon

Isipin yung mga puwede nating hakbang
para unti-unting makabangon at makawala.
Huwag tayong tumunganga lang.
Hindi mababago ang sitwasyon
kapag wala tayong ginawa.

Ask for guidance.
Never give up!
Laban lang, friend!

“Ang problema ay dapat ginagawan ng paraan at  hindi tinititigan lang o tinatambayan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano yung mga bagay na pinoproblema mo ngayon?
  • Ginagawan mo ba ng paraan o tinititigan lang?
  • Nakahingi ka na ba ng tulong sa Panginoon, pamilya, at kaibigan o sinasarili mo lang?

=====================================================

IPON KIT

Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi

Or

4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit

IPON DIARY:

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“WHAT TO DO WHEN MARRIED TO A MAMA’S BOY?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2M1wmqm

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development, Positivity, Spiritual, Success Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.