Mahilig ka ba mag-imbento ng kwento?
O may kilala ka bang hindi naman yun ang
sinabi mo, pero iba ang kwento sa iba?
Halimbawa ang totoong kwento ay:
Nag- resign para matutukan ang pamilya.
Ang version mo:
“Nag-resign siya para matutukan ang pamilya.
Yung anak niya ata kasi nagkaka-problema na sa school.”
Ang real score :
Nangutang para makabukod na.
Ang interpretation ng imbentor ng kwento:
“Nangutang para makabukod na sila.
Balita ko kasi hindi sila in good terms ng biyenan niya.”
Konting preno naman.
Nakakasira ng loob at reputasyon ang chismis.
Pwedeng maiba ang tingin sa kanya ng ibang tao just because
dinagdagan natin ng sarili nating kulay
at interpretasyon ang kwento ng iba.
Why do we engage in chismis?
- Para may mapag-usapan?
- Mema lang? May me-masabi lang?
- Feeling mo entitled ka para ikalat ang opinion mo?
Kahit ano pa ang ating dahilan
hindi ito maganda.
Here’s what we need to do para makaiwas:
“ITO BA YUNG TOTOONG NANGYARI?”
(Photo from this Link)
Ask yourself this question first
bago bumuka ang ating mga bibig
baka kasi nadadala lang tayo sa moment.
Kung wala naman tayong purpose
huwag na nating ituloy.
Itikom ang bibig o maghanap ng
ibang pag uusapan na hindi kailangang
mag-imbento pa ng istorya.
CLARIFY FIRST
(Photo from this Link)
Kung hindi tayo sigurado,
sabi nga sa commercial:
“Huwag mahiyang magtanong.”
“Uy friend, bakit ka aalis sa company?”
“Bes, bakit bubukod na kayo?”
At kung anong ikwento sa atin
BELIEVE IT.
STICK TO IT.
Sasabihin naman nila sa atin ang dahilan
if they feel that we are sincere and can be trusted.
DIVERT YOUR ATTENTION
(Photo from this Link)
Sa dami ng pwedeng gawin
na mas makabuluhan, bakit hindi na lang
natin dito ilagay ang ating energy?
Kung nate-tempt na tayo pag-usapan ang iba,
lalo na kung panay haka-haka o assuming lang
naman, eh huwag na natin ituloy.
Unfair kasi ito na may sinasabi tayo behind their backs
at hindi man lang nila maipagtanggol ang
mga sarili nila kapag may nasabi tayong mali
o hindi maganda.
“Kung hindi sigurado, huwag mag-imbento ng kwento.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Mananahi ka ba ng kwento?
- Bakit mo ito ginagawa?
- How can you avoid this habit?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ 3 SUPERB WAYS TO RETIRE”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/ztpchtjTagg
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.