Kuntento ka na ba o kampante
sa iyong buhay pinansyal?
Ano ba ang difference?
KUNTENTO:
Makabayad ka lang ng bills.
Mabili mo lang ang gusto mo.
Makakain lang ang pamilya mo ng 3x a day.
Okay ka na.
Happy ka na.
Hirap man at
may mga challenges pero
maluwag sa kalooban mo ang sitwasyon.
KAMPANTE:
Sila yung mga ayaw lumabas sa comfort zone
dahil mas gusto nilang status quo
at walang pagbabago sa kanilang pamumuhay.
Steady lang, dahil madami namang masisisi
sa kinalabasan ng buhay.
Hate ang utang
pero ayaw naman gumawa ng paraan
para mabago ito.
“Eh kasi…
- Walang available na trabaho.”
- Ganito talaga buhay.”
- Pinanganak akong mahirap.”
Ito yung mga signs ng isang taong kampante:
AYAW NA MATUTO kuntento o kampante
(Photo from this Link)
There will always be an opportunity to learn
new things, pero ayaw nating i-welcome ito.
Madaming excuses.
Tinuturuan tayo mag budget,
mag-ipon, o mag-invest
pero tinatanggihan natin at tayo pa ang galit.
Kampante na tayo sa kung anong meron tayo.
Ayaw na natin dagdagan dahil feeling natin,
hindi naman natin ito kailangan.
O sadyang ma-pride lang kapag may ibang nagdidikta.
ROUTINE NA ANG BUHAY kuntento o kampante
(Photo from this Link)
Wala namang masama sa routine
pero saan nagiging mali?
- Pwede pa sana mag sideline after work pero tinatanggihan natin.
- Kaya pa sana mag part time habang ‘di pa stable sa work pero ayaw natin.
- May nag-a-alok ng trabaho keysa nakahilata magdamag pero tayo pa itong choosy.
Kung baga, pwede pa sanang ‘push pa more’
pero tayo mismo ang umiiwas.
Para bang ikamamatay natin
kapag may nabago sa nakasanayan nating gawin,
kahit pa alam nating pwede itong makatulong
at makadagdag sa ating pagkakakitaan.
WALANG AMBISYON kuntento o kampante
(Photo from this Link)
“Okay na to.”
“Bahala na.”
“Kung wala, eh di wala.”
Complacent people have given up on their dreams.
Hirap na pero ayaw gumawa ng paraan.
Hinahayaan na lang malubog sa utang ang pamilya.
Wala ng ka pera pera para mabuhay, ‘chill pa’.
Stagnant na.
Ayaw na gumalaw.
Go with the flow lang.
“Huwag sayangin ang pagkakataon sa pagiging kampante sa iyong sitwasyon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kuntento ka na ba ngayon o kampante lang?
- Bakit ayaw mong i-push pa ang sarili mo?
- Anong gagawin mo para mabago ito?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ 3 WAYS TO REDUCE STRESS IN LIFE”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2AbIVNX
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.