Usong-uso ang linyang:
“Kilay is life.”
Yung mawala na ang lahat
‘wag lang ang kilay.
Di bale ng walang lipstick at powder
basta may kilay, “pak na pak” na!
Okay lang mag-invest sa mamahaling
pang kilay to get that PERFECT shape and shade
pero kapag totoong investment na ang paguusapan
tinitipid o dine-delay.
Huwag sana nating hayaang
may mapabayaan dahil dito.
“Mapabayaan? Tulad ng ano?”
MAGANDA NGA ANG KILAY, LATE NAMAN SA TRABAHO
(Photo from this Link)
Naikwento sa akin minsan ng aking misis
na kung gusto mong ‘on fleek’
it will take 10-15 minutes.
Kilay pa lang yan ah,
wala pa yung ibang kolorete sa mukha.
Kung ito ay kumakain na sa ating oras sa umaga,
‘di malayong ma-late tayo sa trabaho.
Ang ending, memo, mapapagalitan ni boss,
At pagka naulit pa ng naulit, baka mawalan pa ng trabaho.
“OA naman Chinkee, tanggal agad?”
Maaring ito lang pero it’s also
a ROUTINE that eats up our precious time
kapag napabayaan at hindi tayo conscious.
MAGANDA NGA ANG KILAY, WALA NAMANG IPON
(Photo from this Link)
If we settle for branded and
latest trends tulad ng pagpapatatoo ng kilay
para maka sunod sa uso,
parati na lang tayo magigipit dahil
dito na lang napupunta.
Unahin muna ang pagtatabi ng ipon
at mag adjust sa kung anong matira.
At kung wala naman sa budget
there are many alternatives to choose from.
Research ka lang, ask around
yung swak sa budget pero quality.
“Eh paano kung walang matira, eh di wala akong kilay ganern?”
Huwag mag-alala, dahil…
MAGANDA KA, MAY KILAY MAN O WALA
(Photo from this Link)
Ang kagandahan ay hindi matatagpuan sa kilay
kundi sa kagandahan ng ating puso.
“Ang panget ko kasi.”
“Di kumpleto pagkatao ko ‘pag wala yun.”
“Inggit ako sa kanya eh, ang ganda niya.”
Nako, basta mabait ka,
hindi nanlalamang sa kapwa,
hindi mapang abuso,
at busilak ang puso…
MAGANDA KA NA!
Period.
Kapag mabait, walang kahit anong kilay
at makapal na make up ang pwedeng makatalo
sa gandang meron ang iyong puso.
“May mga babaeng okay lang kahit walang pang gastos
basta’t huwag lang mawalan ng pang-kilay.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Magkano ang nagagastos mo sa pang-kilay?
- Nasa budget ba ito?
- Anong alternative ang pwede mong gawin?
- Naniniwala ka bang maganda ka, may kilay man o wala?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“HOW TO CLOSE DEALS IN 3 EASY STEPS ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2ipNfOT
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.