Minsan ba nasabi n’yo na sa sarili n’yo na kaya wala kayong naiipon kasi maliit ang kinikita n’yo?
Pero bakit noong lumaki na ang kita eh wala pa ring ipon?
Bakit nga ba?
Mga ka-Chink, let me share with you some practices that I do to monitor and maintain my finances.
KEEP TRACK OF YOUR INCOME
Mahalaga na alam natin kung magkano ang ating kinikita buwan-buwan para alam din natin kung magkano lang ang expenses na maaari nating gawin.
Hindi pwede na isipin lang natin na may paparating naman na sweldo kaya ok lang… gastos lang!
Pero paano kung magkaroon ng emergency? Kaya kailangan din ay mayroon tayong different sources of income. Para mayroon tayong mga options kung saan din natin maaaring mailagay ito.
KEEP TRACK OF YOUR DUE DATE AND EXPENSES
Mga ka-Chink, I am encouraging all of you to always take note of your due dates. Mas maganda kung may reminder kayo kung kailan ang bayarin ng mga ito.
Para hindi magkaroon ng overdue or interest lalo na kung gumamit kayo ng credit card. Naku sobra-sobra ang patong kapag nag-overdue or kung minimum lang ang babayaran natin.
Kaya naman make sure to make good debt and if you have one, bayaran na ito in full cash para walang interest.
HAVE A STRONG FINANCIAL DISCIPLINE
This is very important. Kahit sabihin natin na ang laki ng sweldo natin, ang dami nating sources of income, may ipon tayo… pero kung wala naman tayong financial discipline, naku! Wala rin.
Kung madali tayong matukso sa sale, sa mga promo, sa mga offer ng mga tao sa paligid sa atin, mababalewala rin ang mga ipon natin.
Learn to say no lalo na kung hindi naman talaga natin kailangan. We should be very mindful in making decisions especially if we have our goal.
“Dapat malinaw sa ating isipan kung ano ang gusto natin
para nakaayon dito ang ating mga desisyon at gagawin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga pinagkukuhanan ninyo ng income?
- Paano mo napapaalalahanan ang iyong sarili sa mga due dates and expenses mo?
- Gaano katibay ang iyong financial discipline?
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.