Anong mas pinahahalagahan mo?
Alahas
Magarang sasakyan
at pera VERSUS
ang pakikitungo sa pamilya at kaibigan?
Saan nauubos ang oras mo?
Kakahabol ng iyong ambisyon o ang pagpapanatili
ng kapayapaan sa tahanan?
Aminin na natin, mga kapatid.
Hindi lang natin napapansin pero minsan
nagiging sentro na pala ng ating buhay
ang mga material possessions.
Hindi naman huli pa ang lahat.
Pwede pa ring pag-isipan at ilagay
sa tama ang perspektibo
at mga pinahahalagahan sa buhay.
EVALUATE WHAT TRULY MATTERS TO YOU kayamanan
(Photo from this Link)
Re-assess your priorities.
Ano ang mas may puwang sa puso mo?
Materyal na bagay?
O mga mahal mo sa buhay na mahalaga sa iyo?
Kung nasaan ang puso mo
duon ka tumutok.
MAG-INVEST NG ORAS SA TUNAY NA MAHALAGA kayamanan
(Photo from this Link)
Walang bagay sa mundo ang permanente.
Bahay at lupa, pera, negosyo, mga luho.
Darating ang araw na hindi natin ito
madadala sa hukay.
(Kasi hindi kasya. Joke!)
Pahalagahan natin ang mga bagay
na mahalaga sa mga importanteng tao
sa ating buhay.
Kung quality time ang pagkukulang
sikaping makabawi
at mas iparamdam ang iyong presence.
PROTEKTAHAN ANG PINAHAHALAGAHAN MO kayamanan
(Photo from this Link)
Personal relationships ang top priority?
Ipaglaban ito araw-araw.
Kapag malinaw sa iyo
kung ano ang pinahahalagahan
you will make it a point na ang mga gagawin mo
ay iikot sa kanila sa halip na i-layo ka
sa kanila.
If it means saying “NO” to unnecessary lakad
or taking on a project na iipit lang
sa schedule mo, sakripisyo ay gagawin
alang-alang sa mahal mo sa buhay.
“Ang tunay na kayamanan ay hindi materyal na bagay kundi ang mga taong mahalaga sa atin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mas pinahahalagahan mo ngayon?
- Kailangan mo na bang i-redirect ang buhay mo?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE:
“Two Facts about Facing Life’s Battles”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2h4wfNi
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE PROMO
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Watch the video here➡➡ ➡ http://bit.ly/2gMHJZG
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
BULK ORDER PROMO AVAILABLE
Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!
10 Books P750 / Free Shipping
20 Books P1,500 / Free Shipping
40 Books P3,000 / Free Shipping
Available NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.