Ano nga ba ang kasal para sa atin?
Pabonggahan ba?
Paramihan ng bisita?
Pagandahan ng venue?
O kumpitensya ba sa ibang mga taga barrio,
kaopisina, o kabarkada kung sino ang may pinaka-magandang kasal?
Sadly, this is what has been happening nowadays.
We are so focused sa kung ano ang sasabihin ng iba.
“Du’n tayo sa Tagaytay, para sabihin nila sosyal.”
“Gusto ko destination wedding, wala pang nakagagawa sa kanila nun.”
“Yung catering dapat yung kilala ah, baka sabihin wala tayong budget.”
Bakit puro patungkol sa ibang tao?
Nasaan na yung gusto n’yong dalawa?
Kakapa-impress natin, tuloy,
nasasakripisyo pati ang ating budget.
Halimbawa:
Malinaw na sa atin ang P100,000 budget
pero dahil iniisip natin yung gusto nila,
kung anong appealing sa kanila,
padagdag ng padagdag ang ating listahan.
Hanggang sa kailangan na galawin ang ipon
at yung iba sa atin, utang ang kinababagsakan.
Sayang naman, ‘di ba?
Yes we want it to be memorable
pero baka kakapa-impress,
memorable nga pero dahil
sa dami at laki ng bayarin.
Ano dapat natin tandaan?
FOCUS ON THE MARRIAGE, NOT ON THE CELEBRATION
(Photo from this Link)
“Ha? Hindi namin paghahandaan yung kasal?”
No, it’s not what I meant.
Prepare for the celebration pero
FOCUS more on your life after.
Ang kasal, one day lang ‘yan
pero ang pagsasama, panghabang buhay na ‘yan.
Kailangan paghandaan ang isip, puso, emosyon,
at siyempre, ang bulsa at ipon n’yong mag-asawa.
Paano tayo magiging successful sa ganitong aspeto?
Napag-usapan na ba natin?
Iyon ang dapat pagtuunan ng pansin
more than the wedding celebration
lalo na kung nakabase lang
sa expectation ng iba sa atin.
STICK TO YOUR BUDGET
(Photo from this Link)
Kung ano lang ang available budget
du’n lang natin paikutin ang gastusin.
Pero kung hindi naman talaga maiiwasan
make sure na magdadagdag dahil IMPORTANTE
hindi dahil may nakita tayong uso o
may sinuggest ang mga kamag-anak
kaya biglang change of plans.
Napakahalaga ng budget sa kasal.
Pero hindi naman porket ito lang ang kaya natin
eh feeling kawawa na tayo.
Take this as a ‘happy challenge’.
- Matututo tayo mag-budget
- Makakapagtulungan kayong dalawa
- Mas magiging creative and resourceful
- You’ll both discover the strengths of one another
HUWAG MAGYABANG
(Photo from this Link)
Bakit kailangan magyabang?
Dahil baka may masabi sila sa atin?
Baka mapahiya tayo?
Naku KaChink, eh mas nakahihiya
kung yabang ang pinairal natin pero
yung mga basic hindi natin magampanan.
Ito yung sinasabing, maganda lang sa picture
pero ang totoo, hirap na hirap dahil
hindi alam paano ang buhay pagtapos nito.
Paano tayo makakatulog ng mahimbing
kung panay utang ang gumigising sa atin?
Paano tayo matatahimik kung panay
tawag ng mga naniningil ang humahabol sa atin?
BE SIMPLE!
Mas maganda kung simple lang ang kasal
pero walang utang kaysa bongga nga
nganga naman kinabukasan.
“Ang kasal ay patibayan at patagalan. Hindi ito pabonggahan at payabangan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- How can you make your wedding memorable pero swak sa budget?
- Ang budget ba ay kayo mismo ang nag-usap o dahil sa sinabi ng iba?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“OPENING A BAKERY BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/a6RiV9gvQ6A
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Registration: P950 per couple
Early Bird Rate: P750 per couple
March 10, 2018/ Victory Greenhills San Juan
A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao
“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.