Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Bakit List #4: Malaki at Maayos na Pangangatawan Pero Bakit Hindi Kapakipakinabang?

April 2, 2018 By Chinkee Tan

kapakipakinabang

Malakas na pangangatawan? Check!

Kumpleto ang mga kamay at paa? Check!

May kakayahang mag-isip? Check!

Malusog at walang iniindang sakit? Check!

 

Uy, napaka-fortunate naman pala natin, ‘di ba?

Indeed, God is good!

 

Pero bakit…

  • Nakahilata lang tayo?
  • Ang tanging exercise ay ang pag-abot sa chichirya at remote?
  • Hindi tayo naghahanap ng trabaho?
  • Gumigising tayo hapon na, kakain lang tapos tulog uli?
  • Ultimo gawaing bahay, tamad na tamad tayo?

 

Nako KaChink, sayang naman kung ganito.

Hindi tayo nagiging kapakipakinabang.

 

Mahirap yan ah.

Sayang naman yung oras at panahon

na pwede sana tayong may magawa na

makatutulong sa pag-unlad natin at

maimprove ang sarili natin.

 

Bakit nga ba may mga taong #blessed naman

pero walang ginagawa?

 

Na mas kuntento na ang tanging iniisip lang ay:

“Anong ulam namin ngayon?”

“Anong games ang lalaruin ko ngayon?”

“Bakit wala pa ang mga tao, gutom na ako!”

 

Table of Contents

Toggle
  • MAY INAASAHAN
  • KAWALAN NG PANGARAP kapakipakinabang
  • DUMADALOY ANG INSECURITY kapakipakinabang
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • CHINKEE TAN UPDATE:
  • BOOKS
    • IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
    • DIARY OF A PULUBI
  • NEW VIDEO ON YOUTUBE
  • MONEYKIT

MAY INAASAHAN

kapakipakinabang

(Photo from this Link)

“Nandiyan naman sina Nanay at Tatay, Ate at Kuya.”

“May kaya naman ang pamilya ko.”

“Hindi naman siguro nila ako matitiis.”

 

Yan, na…

Diyan na pumapasok ang pagiging palaasa.

Kasi nga naman may nakasalo sa

bawat hingi nila kaya hindi na gumagawa

ng paraan para maisalba ang sarili.

 

Sila yung mga taong kampante na masyado.

Feeling nila hindi naman sila pababayaan at

habang buhay sila pagbibigyan na parang bata.

 

KAWALAN NG PANGARAP kapakipakinabang

kapakipakinabang

(Photo from this Link)

Wala silang gusto para sa sarili nila.

Para sa kanila, basta kumakain at nakakatulog,

eh okay na.

 

Ayaw nilang maghangad ng mas mataas pa dun.

Yung makaipon man lang.

Magkaroon ng magandang trabaho.

Makapagpatayo ng bahay.

Yung may perang dudukutin na pinaghirapan naman.

 

Hindi nila naiisip na kapag nawala na

yung mga taong inaasahan nila,

“Paano na kaya ako?”

 

DUMADALOY ANG INSECURITY kapakipakinabang

kapakipakinabang

Buti pa sila…

“Nakatapos ng college, ako highschool lang….”

“Ang bilis makahanap ng trabaho, ako hirap na hirap…”

“Nakapagpatayo kaagad ng business, ako ganito lang…”

 

Kaya tinatamad na kumilos kasi

pakiramdam nila, they are not good enough at

wala namang nangyayaring maganda

kahit anong gawin nila.

 

Para bang,

wala na rin lang sila mapapala eh di

sa bahay na lang…hindi pa napagod.

 

Insecurity is normal pero dapat

ito mismo yung magtutulak sa atin

na magsumikap at hindi kaawaan ang sarili.

 

The more we pull ourselves down,

the more na hindi lalapit sa atin ang oportunidad.

Sayang naman kung mapapakawalan lang

dahil sa insecurity sa iba.

 

“Ang iba kahit malaki ang katawan, hindi nagiging kapaki-pakinabang.

Mas pinipili nila na umasa sa hingi at sustento ng kapatid at magulang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May kilala ka bang ganito?
  • Paano mo sila matutulungan at maeenganyo?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE HAVE A POOR WAY OF THINKING”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GOpRs6

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Future, Inspirational, Motivational, Personal Development, Positivity Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, kapakipakinabang, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.