Ang pagiging magulang ay isa sa mga bagay na dapat pinaghahandaan. That’s why we need to choose the right person that we want to share our lives to start a family.
Kapag nasa isang relasyon, syempre darating din sa punto na gusto na nating lumagay sa tahimik at pumunta na sa next level. So anu-ano ba ang mga dapat nating alamin?
VALUE
May maayos bang pag-uugali ang iyong kasintahan?
May matibay ba kayong pananampalataya sa Diyos?
Marunong ba siyang makisama sa mga mahal mo sa buhay?
Mahalaga na alam natin ang mga katangian na gusto nating ituro sa ating mga anak. We can’t teach them what we don’t know.
Kaya paano ninyo ituturo ang tamang pag-uugali, pananampalataya sa Diyos at pakikisama sa ibang tao kung kayo mismo ay hindi ito isinasabuhay?
PLANS AND GOALS
May direksyon ba ang buhay ng kasintahan mo?
May plano bang umunlad pa sa buhay?
May ipon goals din ba at pareho ba kayo?
Kung iniisip mo na magbabago rin s’ya kapag nagkaanak na kayo, think again. Kailangan ba na magkaanak muna kayo bago s’ya magsimula magplano sa buhay?
Kailangan pareho kayo na may patutunguhan ang buhay dahil bubuo rin kayo ng panibagong buhay at kasama na rin dito ang inyong magiging anak.
Higit sa lahat ay ang kahandaan o
READINESS
Hindi pwede na puro plano lang. Kailangan marunong ding kumilos at gumawa ng paraan. Mahalaga na may paninindigan at may isang salita.
Tinutupad ba n’ya ang kanyang mga pangako?
Nakikita mo ba ang sarili mo na kasama s’ya habang buhay?
Marunong din ba siyang humawak ng sarili n’yang pera?
Mahalaga ang mga katanungan na ito dahil kapag nagkaroon kayo ng sarili ninyong pamilya, malaking responsibilidad ito na kailangan paghandaan.
“Having a child is not just a choice
but a commitment that we have to rejoice.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga katangian na kailangan upang maging isang mabuting magulang?
- Paano n’yo pinaghahandaan ang pagkakaroon ninyo ng anak?
- Sinu-sino ang mga huwaran na inyong hinahangaan at inspirasyon?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: http://rfr.bz/fa87as
Facebook page: http://rfr.bz/fa87at
Instagram: http://rfr.bz/fa87b4
I want to help you as parents raise RISK TAKERS, PROBLEM SOLVERS and CHANGE MAKERS.
CHINKTV PRESENTS: How To Raise Entrepreneurial Kids In 10 Easy Steps Online Course for only 799. Click Here: http://rfr.bz/fa87b5 http://rfr.bz/fa87b6
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.