Retoke sa ilong
ngipin at balat.
Ilan lang yan sa mga cosmetic procedures
na nagbigay-daan sa transformation
ni #XanderFord.
Habang well-celebrated at trending
ito sa social media, kalungkutan ang dala nito
para sa akin.
Ito na pala kasi ang kahulugan ng KAGANDAHAN.
My concern for Xander
goes beyond the physical pain
that he had to endure
sa proseso ng kanyang pagbabagong anyo.
Ang mas naka-pukaw ng aking damdamin
ay kung bakit ganoon nalang ang kagustuhang
mabura kung ano ang tunay niyang anyo.
Consistent ang tugon niya sa mga interviews na
dahil daw ito sa cyberbullying.
“Maitim.”
“Pangit at salat ang ilong.”
Hindi na raw niya masikmura ang mga pintas.
Pero hindi lang si Xander ang naaapektuhan.
Madami sa ating mga kapatid
ang nakaka-relate.
Kaya ang epekto?
Ang mababang self-esteem ay mas bumaba pa.
Feeling natin
Kailangan takpan ng make-up ang imperfections.
Whitening pills ang solution sa morenang balat.
Lahat willing gawin
para lang masabayan
ang pressure na maging maganda.
Handang pag-ipunan ang anumang
aesthetic procedure na ikabubuti ng pakiramdam.
Para bang ang self-worth ay dapat dinidikta
ng kaanyuan.
DO NOT ACCEPT THIS.
Always remember na..
NILIKHA TAYO NG DIYOS.
(Photo from this Link)
Lahat tayo ay nilikha in God’s image and likeness.
Iyon ang tunay na kahulugan ng KAGANDAHAN.
Patas.
Hindi mapanlamang.
Mahalaga tayo kahit ano pa man
ang kapintasang nakikita natin
sa ating sarili o sa iba.
MAY PURPOSE TAYO.
(Photo from this Link)
Hindi man natin alam kung bakit tayo
iniluwal sa mundong ito
pero God will make His intentions felt.
Mararamdaman natin yan.
Huwag tayong mabulag sa mga pam-bu-bully sa atin.
WE ARE LOVED.
(Photo from this Link)
Feel your pulse.
Ramdam mo ba ang buhay mong puso?
It’s proof of God’s love for us.
Buhay tayo at may maganda Siyang plano para sa atin!
At para sa mga nang-bu-bully?
WORDS ARE POWERFUL.
(Photo from this Link)
Bago magbitiw ng salita
mapa-social media man o
harap-harapan, isipin natin
na magkaiba ang tolerance ng tao
pagdating sa pangungutya.
May ibang kaya itong palampasin
pero meron ding traumatized for life.
Choose to be kind.
Choose to be mindful of what we say.
Walang perpekto sa mundong ito.
“Ang kagandahan ay hindi nasusukat ng panlabas na kaanyuan
kundi sa ganda ng kalooban.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kailan ka huling nagpasalamat sa Diyos sa paglikha Niya sa ’yo?
- Nakalulugod ba ang iyong kalooban sa Kanya?
- Kailangan mo pa bang mas makilala pa ang sarili mo?
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
BULK ORDER PROMO EXTENDED!
Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!
10 Books P750 / Free Shipping
20 Books P1,500 / Free Shipping
40 Books P3,000 / Free Shipping
Available NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi
=====================================================
SUBSCRIBE TO MY YOUTUBE CHANNEL
Click here now➡➡ ➡ https://www.youtube.com/ChinkPositive
Don’t forget to CLICK the BELL BUTTON to GET NOTIFIED!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.