Hindi mo maiiwasan na ikaw ang minsan ang takbuhan ng bayan.
“Kuya, pahingi naman ng allowance.”
“Pahiram naman ng cash, short lang kami sa pambayad ng tuition fees.”
“Pare, alam mo naman ikaw lang pwede kong asahan.”
Wala naman masama kung ikaw ay makakatulong sa mga taong nangangailangan. Pero napakahirap naman kung parating ikaw na ang taga-salo ang problema ng bayan.
Minsan kasi feeling ng iba na ikaw ang may-ari ng Bangko Sentral ??ng Pilipinas, na hindi mauubusan ng pera. Ang tingin naman ng iba ay para kang ATM na basta basta na lang na pwedeng lumuwa ng pera.
So paano natin maiiwasan na tayo ay maabuso?
HELP YOURSELF BEFORE YOU HELP OTHERS
Mahirap tulungan ang iba kung hindi mo kayang tulungan ang iyong sarili. Ika nga, charity starts at home. Make sure you are financially stable enough to help others. In other words, you can never give what you do not have.
OFTEN MISTAKE:
Para hindi mapahiya, nangungutang para may maipahiram.
HELP ONLY WITHIN YOUR CAPABILITY
Uulitin ko walang masama tumulong pero huwag yung sobra-sobra na yung isusubo mo at ipapakain mo ??sa pamilya mo. I will not question your generosity but we need to be reminded that we need to prioritize ??our ??immediate family when it comes to the hierarchy of who we help first.
OFTEN MISTAKE:
Magpakitang tao. Pinipilit kahit hindi kaya.
HELP PEOPLE WHO CANNOT HELP THEMSELVES
Dito na dapat tayo maging open. Yung mga orphans, widows, single parent na nahihirapan. Yung mga taong may sakit at walang kakayanan na tulungan ang kanilang sarili.
OFTEN MISTAKE:
Naaawa lang or lack of discernment. Helping people who can help themselves.
Again, we need to be generous at all times.
Hindi pwede bara-bara dahil meron ka lang pera.
Hindi rin pwede tumulong na mismo ikaw ay hirap na hirap na.
But we just need to help with the right heart and right mind.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ang takbuhan ng iyong kaibigan, kamag-anak at ng bayan?
Tumutulong ka ba sa mga nangangailangan?
Ubos biyaya ka ba kung tumulong o marunong kang tumingin kung sino ang dapat tulungan at hindi?
Did this article help? Here are a few more related posts:
- Are You A Generous Giver?
- Paano Ba Ako Makakatulong Sa Bansa Ko?
- IT’S BETTER TO GIVE THAN TO RECEIVE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.