Kilala mo ba si JUDITH?
Ka-close natin yan noh!
Lagi natin ito kasa-kasama at nakabuntot sa atin.
Hinahabol-habol pa nga tayo kadalasan.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung
bakit tayo nagtatrabaho.
“Eh sino ba kasi yang JUDITH na yan?”
Judith as in…
DUE DATE!
Due date ng kuryente, tubig,
upa, tuition fee ng mga bata,
credit card, o amortization.
Wala tayong ligtas sa kanya.
Malingat lang o lumagpas lang ng kaunti,
panigurado, may tatawag na.
At kapag nakipagmatigasan tayo,
ayun, pwedeng makatanggap na tayo ng notice,
lolobo ang interest, o kaya tuluyang
maputulan na lang.
Sadly, these are the consequences that
we might experience kapag
tinatakbuhan natin si Judith.
So paano nga ba natin ito dapat paghandaan?
HUWAG IPAWALANG BAHALA judith
(Photo from this Link)
Ilista natin ang due date at
bayaran on or before at hindi AFTER.
Huwag tayong mag assume na:
“Hindi ‘yan. ‘Di pa tayo puputulan niyan.”
“Sabi naman nila noon, 0% interest.”
“Sus, sa dami ng may utang, ‘di na tayo maaalala.”
Hindi po totoo ito.
Utang is utang kahit pagbali-baliktarin.
Hindi natin matatakasan ito
kahit anong gawin natin.
Meron at merong consequences ito.
IHIWALAY NA KAAGAD ANG PAMBAYAD
(Photo from this Link)
Pag kuha ng sweldo, itabi na kaagad ang pambayad
bago pa man natin ito gamitin sa kung saan-saan.
Minsan kasi tayo may tendency na
pagka withdraw na pagka-withdraw,
hala sige, diretso sa mall o kainan.
Tapos pag-uwi at kailangan ng iready ang pambayad
wala na, hindi na kasya, or worst, naubos na.
Kung may extra, go ahead treat yourself.
Kung wala naman, huwag magself-pity
dahil ang mahalaga, wala tayong nakabitin na bayarin.
TIIS TIIS MUNA
(Photo from this Link)
Hanggat hindi pa nababayaran lahat,
hanggat may naka pending pa tayo,
maghigpit muna ng sinturon para
ang perang nakalaan ay hindi magalaw.
Wala naman sa shopping mall, mga kainan,
o travel travel ang tunay na kaligayahan.
Ito ay nasa tahanan, kasama ang pamilya,
buo at walang pinagkakautangan.
“Brace yourselves! Paparating na naman si JUDITH!
Judith ng Kuryente, Judith ng Tubig, Judith ng Credit Card”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano-ano ba ang Judith ng buhay mo ngayon?
- Paano mo ito pinaghahandaan?
- Ready ka na ba harapin siya?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“4 THINKING PATTERNS OF THE RICH”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/WYbha5kCa5w
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.