Nabalitaan naman natin na lahat ng mga due ay na-moved sa susunod na buwan. Pero ano nga ba ang dapat gawin sa puntong ito?
Let me share with you some tips para hindi tayo mabigla sa bayarin natin sa susunod na buwan.
MAGLAAN NG PAMBAYAD SA MGA BILLS
Kahit nausog sa susunod na buwan ang bayarin dapat makapagtabi pa rin ng mga pambayad para sa susunod na buwan. Hindi natin kailangan ubusin lahat para sa buwan na ito.
So kung may due kayo na 2,000 ngayong buwan na ito, itabi pa rin ang pambayad dito. Nausog lang naman ang due date hindi ibig sabihin nito ay na-waive na ang ating mga bayarin. Kaya naman dapat din ay
BILHIN LAMANG ANG MGA KAILANGAN
Alam ko na marami ang binibili natin ngayon. Kung sa normal na mga araw ang budget ninyo sa isang buwan sa grocery ay limang libo, stick pa rin dapat doon.
Bilhin pa rin ang mga talagang kailangan na pagkain o mga gamot. Kung tutuusin nga ay mas may matitipid tayo dahil bawas na ang pamasahe o pang-gas sa mga araw-araw na umaalis dyan.
Pero kailangan bantayan at
MAGTIPID SA KURYENTE AT TUBIG
Dahil lahat ng myembro ng inyong pamilya ay nasa tahanan, for sure walang patayan ang telepono. At dahil din sa pandemic na ito, madalas tayong naghuhugas ng kamay at naliligo.
Pero kung pwede naman na magsama-sama sa iisang parte ng bahay muna lahat para yung electric fan lang na yun ang gagamitin.
Mag-schedule din ng paggamit ng TV. Kung pwede namang manood sa phone or laptop, para hindi laging naka-plug sa kuryente. Ilan lamang ito mga Iponaryos sa mga tips na naisip ko.
Tandaan
“Hindi ibig sabihin na na-moved ang due date,
wala nang bayarin.
Kaya dapat ay matutong mag-badget at
magkontrol ng gastusin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga pangunahing bilihin ang kailangang-kailangan ng pamilya ninyo?
- Paano kayo nagtitipid ng kuryente at tubig sa panahong ito?
- Magkano ang talagang budget ninyo kada buwan?
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.