Kapag nakakakita ka ng mag-asawang
magka HHWW (Holding Hands While Walking),
ano ang iyong naiisip?
Kapag yung asawa ng friend mo
nagpost sa social media ng:
“Happy Anniversary to my one and only”
ano ang pakiramdam mo?
Kapag meron kang kakilala na 15 years
and above ng kinasal,
ano ang pumapasok sa isip mo?
“Swerte naman niya!”
“Sana ganyan din asawa ko!”
“Naka jackpot siya ah!”
Bakit mo nasabi friend?
“Eh kasi yung asawa ko walang kwenta”
“Hindi siya ganyan ka sweet!”
“Parang hindi na kasi kami magkakasundo”
We feel na may regret at inggit
sa tuwing nakikita natin yung
mga kaibigan nating ‘swerte’ sa pag-ibig.
But here’s what I want to tell you,
There’s no such thing as PERFECT MARRIAGE.
Kung sila man ay sweet at tumagal ito’y dahil
pinagtrabahuhan nila ito.
Nag-aaway din ‘yan at may
hindi pagkakaunawaan. Yu’n nga lang,
ang kinaibahan, dapat tulad nila:
TINGIN NATIN SA RELASYON NATIN AY JACKPOT DIN
(Photo from this link)
Unang una sa lahat, bago tayo
tumingin sa ibang relasyon,
dapat ina-appreciate muna natin kung
anong meron tayo.
Despite the imperfections of our marriage
or relationships, pilitin nating tignan
kung ano yung maganda sa kanya
at sa relasyon natin.
“Napakasipag niya kahit lagi kami nag-aaway”
“Siya ay good provider”
“Lagi siya umuuwi ng maaga para sa amin”
“Ang ganda ng misis ko, hindi tumatanda”
“Hindi namin pinag-aawayan ang pera”
Madami ‘yan! Imposibleng wala.
Huwag tayo magconcentrate sa mali.
PILITIN NATING RESOLBAHIN ANG PROBLEMA
(Photo from this link)
Ang away ng mag-asawa normal ‘yan,
Maski kami ni misis, kahit 19 years na kaming kasal,
dumadaan din kami sa mga pagsubok, PERO
dapat, hinahanapan natin ng solusyon ‘yan.
Hindi porket nagkaproblema,
hindi na natin aayusin o hindi na
natin sila kakausapin o papansinin.
Ang tunay na jackpot sa relasyon,
yung kahit may unos na dumating,
parehas nating aayusin.
Mag-iisip, magpapakumbaba, at uunawa.
Once na maresolve natin iyon,
o ‘di ba? Wala ng mas panalo pa doon!
Ibig sabihin, we did it as a TEAM.
TAYO MUNA, BAGO ANG IBA.
(Photo from this link)
Kapag may pinagdadaanan,
tayo muna ni mister at ni misis ang mag-usap
at hindi yung ibo-broadcast natin sa lahat
especially sa Facebook? Nako po. Huwag naman.
Disaster ‘yan.
Imbis kasi na maayos natin,
madami ng makikisawsaw.
Lahat may opinyon, lahat sasali sa issue
hanggang sa tayo mismo ng ating asawa
ay hindi na nakapag-usap kasi yung iba na
ang pinapakinggan natin.
Wala ng mas ja-jackpot pa sa
mag-asawang nakikinig sa opinyon
ng isa’t isa. Ibig sabihin lang, nandu’n
yung respeto natin at willingness
magkabati at bumalik ang tamis ng relasyon.
“Imbis na tumingin at mainggit sa relasyon ng iba, sikapin nating tignan kung anong meron tayo na wala sila.
Dahil wala ng mas ja-jackpot pa sa mag-asawang nagmamahalan, may respeto, at kuntento na sa isa’t isa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang mainggit sa ibang relasyon?
- Imbis na mainggit ano ang gusto mo sa iyong asawa at sa iyong relasyon?
- Paano kayo magtutulungan para manatiling mainit ang pagmamahalan?
====================================================
YEAR-END PANALO SALE
LAHAT NG ITO AY BUY 1 TAKE 1 FROM DEC 15 TO DEC 26!
BOOKS:
✓My Badyet Diary (NEW BOOK)
✓Ipon Kit: Ipon can + Ipon diary + Diary of Pulubi
✓ Ipon Diary
✓Diary of a Pulubi
✓Always Chink
✓For Richer or for Poorer
✓ Happy Wife, Happy Life
✓ How I made my First Million
✓ Keri mo Yan
✓ Raising Up Moneywise Kids
✓ Rich God Poor God
✓ Secrets of the Rich and Successful
✓ Til Debt do us Part
✓ Moneykit + 11books + ipon can free (FREE SHIPPING)Go to shop.chinkeetan.com
CHINKTV (ONLINE COURSE)
Be A Virtual Professional
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife, Happy Life
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
====================================================
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.