Na-experience mo na ba mag-share ng food sa iba at hindi man lang nila na-appreciate yung binigay mo?
Nakatulong ka na rin sa mga kapos-palad at noong makita mo sa mukha nila yung saya?
Yun ang eksaktong nangyari sa akin noong ako ay kumakain sa isang ekslusibong resto na ang pangalan ay “Aling Banang” sa San Juan.
Since wala pong pintuan yung carinderia na yun. May pumasok at lumapit na isang mama na halatang gutom na gutom at inilabas ang kanyang palad at humihingi ng pagkain. Kahit wala siyang sinasabi, kitang-kita ko sa kanyang mga mata na nangungusap at nagmamakaawa. Hindi na ako nag-dalawang isip na ibigay ang lahat ng amin kinakain at bukod pa doon, inudyok ng Diyos na mag abot na halaga na hindi ordinaryong sa kanya. Noong na-i-abot na sa kanya, kitang-kita ko sa kanyang mata ang pagkamangha. Parang hindi siya makapaniwala, at noong siya lumalabas, paatras ang kanyang paglakad palabas. Siguro totoo ba na totoo bang nangyayari ito?
IT’S BETTER TO GIVE THAN TO RECEIVE
Each one of us gets the urge to help.
Normal na sa atin yung hanggat makakatulong, tutulong.
Pwede sa kakilala o hindi.
Huwag na nating hintayin na lumaki pa ang ating kita para mag-umpisa.
Mag umpisa tayo kahit sa maliit.
Maari bente lang sayo at walang masyadong halaga.
Pero para sa isang taong nagugutom, dugtong buhay at pag-asa na yun.
I challenge you today!
Sikapin natin sa araw na ito na maging sensitibo at tumulong sa ating kapwa.
It maybe an officemate who needs some words of encouragement.
It maybe a friend na may pinagdadaanan.
Or it maybe another less fortunate na nangangailangan ng lifeline.
“Ang sarap ng pakiramdam kung ikaw ay nakakatulong sa iba”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, when was the last time na tumulong ka sa iba?
- Ano ang naramdaman mo?
- Kung gusto mo siya ma feel muli, why not be generous today.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.