Sa larangan ng boxing, ang tunay na motto, “It is better to give rather than to receive.”
Walang boksingero ang nais makatanggap ng knock-out punch. Ang gusto nila ay sila ang magbigay ng matinding MANNY PACQUIAO knock-out punch.
Pero pag dating sa resources like time and money, masasabi nga ba na it is better to give rather than to receive?
May mga ilan siguro na naniniwalang hindi applicable ang motto na ito pag dating sa time at sa pera. Oo nga naman, kung may 24 hours ka lang sa isang araw tapos igugugol mo pa ang ilan nito sa iyong trabaho, business, mga kaibigan o bisyo, aba ay kulang nga naman ang 24 hours!
At kung minimum wage nga lang ang kinikita mo at di mo na iyon mapagkasya sa gastusin ng iyong pamilya, aba ay paano ka pa nga naman makakapagbigay?
But allow me to share with you the principles about giving and receiving.
IT FEELS BLESSED TO RECEIVE
Naalala mo yung mga pagkakataon na nakatanggap ka ng regalo, atensyon, o kahit anong bagay mula sa mga mahal mo? Anong naramdaman mo? Diba natuwa ka? Minsan pa nga ay naiiyak ka sa sobrang kasiyahan na nararamdaman mo, diba? You feel so blessed, tama?
Walang kokontra sa akin sa punto kong it feels blessed to receive kasi talaga namang napakalaking biyaya na makatanggap ng ngiti, pagmamahal, oras, perang pinaghirapan mo, at marami pang iba. Nakakatuwa every time na may nagbibigay sa atin.
Pero sa totoo lang . . .
IT IS MORE BLESSED TO GIVE
Ikaw, na experience mo ba magbigay ng regalo sa isang tao na di niya inaasahan. Nakita mo ba ang reaksyon sa kanilang mukha? Ano ang naging feeling mo noong panahon na yon?
Di ba ang saya ng feeling? Grabe, mas masaya ka pa nga sa taong nakatanggap ng iyong kagandahang loob.
Hindi iyon kuro kuro or base sa eksperimento. Totoong it is more blessed to give than to receive dahil ito ay isang utos ng Diyos. At hindi nagsisinungaling ang Salita ng Diyos.
My encouragement to you today is to give without expecting anything in return. Huwag na muna natin isipin kung ano ang magiging benefit natin kung nagbigay tayo sa mga taong makakatulong sa ating pang sariling agenda.
Let us pray and ask God, “Lord, sino ang mga taong gusto mong i-bless ko sa araw na ito?”
Ika nga, magbigay tayo with no strings attached, walang return to sender na may address ka, huwag mag-expect na ikaw ay bibigyan na mas malaking regalo dahil malaki rin ang naibigay mo.
Ang pagbibigay kasi should be a selfless act. The act of giving in itself is already considered a benefit. Give today and know what I mean.
THINK. REFLECT. APPLY.
Maybe give something once a month. Pwedeng mag volunteer ka sa isang community or mag-donate ka sa isang church or magbigay ka ng recognition sa mga empleyado mo. Give, without expecting anything in return. Subukan mo lang because you can never truly grasp the truth about my point kung hindi mo ito firsthand na gagawin.
Kung hindi mo pa ito nagagawa, then I challenge you. Try it. Do it.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to be a blessing? You can also check these related articles on giving:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.