Gaano nga ba kahalaga ang pagkakaroon ng ipon ng mag-asawa? Paano ba ito dapat pag-usapan?
Alam ko sa simula napaka-awkward na i-open up ang usaping pinansyal. Nandyan kasi yung baka magkaroon kayo ng ‘di pagkakaunawaan, pero dyan din magsisimula ang mas malalim na pagtitiwala n’yo sa isa’t isa.
Bakit nga ba kailangan ng ipon at anu-ano ang mga advantages nito?
STRONGER RELATIONSHIP
Kung dalawa kayong magtutulungan, mas magiging close kayo as partner dahil alam ninyo na may goals kayong dalawa. Imbes na magsumbatan kayo ng mga income ninyo, kailangan ay magtulungan at magbigayan.
Hindi naman pwede yung akin na pera, sa akin lang talaga na parang wala kang pakialam sa asawa mo. Yung mentality na “Pinaghirapan ko naman ito eh.”
Kung hindi mawawala at laging ganito ang iisipin ninyo, mas magkakaroon pa ng clash between the two of you at parang laging may competition sa inyong mag-asawa.
PEACE OF MIND
Of course may peace of mind kayo kapag may ipon kayong dalawa. Lalo na kapag magre-retiro na kayo. Hindi naman maganda kasi na anak natin ang gawin nating retirement fund.
Dapat may ipon pati sa ating pagretiro dahil darating ang araw na tatanda na tayo, hihinto na tayo sa pagtatrabaho, pero hindi pa rin hihinto ang mga pangangailangan natin at paggastos natin.
Kaya naman, paghandaan dapat ito para hindi tayo laging aasa sa ating anak dahil magkakaroon din sila ng sariling buhay. Kailangan din sila mismo ay makapag-ipon para sa kanila.
HAPPIER AND HEALTHIER LIFE
Wala nang mas magpapasaya sa atin kundi ang buhay na tahimik at may kapanatagan. At maaabot natin ito kung kasama natin sa pag-iipon ang taong mahal natin.
Sabay kayong mamasyal, magpapaka-healthy, at mag-e-enjoy ng buhay ninyo na magkasama.
Kaya tandaan:
“Matutupad ang ipon goals n’yong mag-asawa kung nagtutulungan kayong dalawa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano ninyo pinagtutulungan ang ipon goals ninyong mag-asawa?
- Paano ninyo binabadyet ang income ninyo?
- Anu-ano ang mga investments na naipundar ninyong dalawa?
Watch my YouTube video:
Attention Couples – Gusto N’yo Bang Maka-Ipon this 2020
Ipon Kit now at BUY 1 TAKE 1
Get your kits now! Click here: http://bit.ly/2RmOHnl
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.