Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

HELP, WALA PA RIN AKO IPON

July 10, 2018 By Chinkee Tan

 

It has always been a question kung
bakit wala pa rin ipon.

May trabaho naman, may tindahan,
maliit (kung minsan malaki) na negosyo,
pero nauuwi pa rin tayo sa utang?

Kung minsan pa, hindi na tayo
makatulog at makakain kakaisip
kung bakit ilang taon na tayo
nagpapakapagod pero pagsilip
sa bank account at alkansya,
ayun, walang wala pa rin.

If we don’t identify and accept na
may problema na sa paghahandle natin ng pera,
we really won’t be able to solve it.

First question is,
are we willing na umamin na talagang may mali
and willing ba tayo malaman ang dahilan?

I know this might be hard but this is what we need
para maitama ang mali.

If you answer YES, I am proud of you.
Ibig sabihin, masakit man malaman ang totoo,
okay lang ang importante magawa na ng paraan NOW. 

First step — check!
So now, let’s make a run down of the reasons
kung bakit wala pa rin tayo naiipon:

Table of Contents

Toggle
  • MARAMING NAKASAHOD AT NAKAABANG SA SWELDO ipon
  • INUUNA PA ANG BISYO ipon 
  • WALANG PLANO ipon
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • IPON KIT
  • IPON DIARY:
  • DIARY OF A PULUBI
  • NEW VIDEO ON YOUTUBE
  • MONEYKIT

MARAMING NAKASAHOD AT NAKAABANG SA SWELDO ipon

ipon(Photo from this Link)

This is the most COMMON reason.
Pagkakuha pa lang ng sahod,
nandiyan na yung mga salitang:

“Magpadala ka naman.”
“Transfer mo na, wala ng panggatas pamangkin mo eh.”
“Wala kasi ako trabaho, ikaw na muna sana bahala sa upa.”
“Mapuputulan na kasi kami, pahiram muna.”

You know what, hindi yung kagustuhan nating tumulong
ang problema, kundi yung nagiging habit na,
to the point na hindi na sila nagtatrabaho o
nagsisikap para buhayin ang sarili at pamilya nila.

I myself help my parents until now,
and that is okay dahil matanda na sila at
hindi na kaya magtrabaho pa.

Pero kung ang ating tinutulungan
ay laging nakasahod sa biyaya,
nagreresulta na sa katamaran, iyon ang mali.

Tinuturuan na natin sila sa idea na
“Okay lang manghingi ng manghingi.”
“Keri lang kung walang trabaho.”
“Sasaluhin naman nila tayo.”

INUUNA PA ANG BISYO ipon 

ipon(Photo from this Link)

Kakarampot na sahod pero
nakukuha pa nating mag-inom, mag yosi,
magsugal, o kaya mamili ng mga hindi kailangan.

Kaya tuloy, sa bawat sahod natin,
wala ng natitira dahil mas pinipili nating
gumasta para dito kaysa ipunin.

Sa mahal ng mga bilihin,
dapat inaalis na natin ang mga ito
para yung matitipid, pwede nating itabi at palakihin.

Imagine this:
P8/stick x 5 isang araw= P40/day x 7 days= P280

‘Di ba ang laking pera nun?
Sayang naman kung dito lang mapupunta,
sa isang bagay na wala naman tayo mapapala.

It’s not only about saving money,
kung aalisin natin ito sa sistema natin..

  • Mas magiging malusog ang ating pangangatawan
  • Magkakaroon ng oras sa pamilya
  • Iwas problema at utang
  • Magaan ang buhay

Ayaw ba natin non? Of course we want that.

WALANG PLANO ipon

ipon(Photo from this Link)

“Okay na ‘to, may trabaho naman ako.”
“Malakas naman tindahan ko.”
“Siguro naman ‘di nila ako aalisin.”
“Healthy naman kami, kaya no need for emergency fund.”

Iyon ang akala natin.

Hindi naman sa nananakot pero
ANYTHING CAN HAPPEN kahit hindi natin inaasahan.

Mapaglaro ang buhay mga KaChink,
Yung…

  • Malusog ngayon, bukas hindi na
  • Maayos na sasakyan ngayon, bukas sira na ang makina
  • Magandang trabaho ngayon, maaaring bukas, mag mass layoff
  • Malaking kitaan sa tindahan, bukas pwedeng magsawa na ang mga tao

Paano tayo makakakilos kung
hindi natin ito pinaghahandaan?
Aasa na lang ba tayo sa SANA?

Huwag naman.

Planuhin natin ito habang may oras pa.
Pag-ipunan at gumawa ng strategy para
in case dumating man ang kahit anong
hindi inaasahan, hindi tayo masyado matitibag
kasi may back up tayo.

Makakabangon kasi may pampaikot tayo.
Makakatulog ng mahimbing kasi handa tayo.

“Kung gustong mamuhay ng kumportable at makaiwas sa sakit ng ulo,
ngayon pa lang, matuto ng mag-ipon para handa pagdating ng panahon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May ipon ka na ba or wala pa (rin)?
  • Kung wala? Bakit? Anong dahilan?
  • Willing ka bang simulan ito ngayon na?

=====================================================

IPON KIT

Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi

Or

4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit

IPON DIARY:

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“NETWORKING: Qualifying your Prospects”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/sQ7jrvpfmi4

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Iponaryo, Money Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.