Nagtataka ka ba kung bakit
ilang taon na tayong nagtatrabaho
pero butas pa rin ang bulsa?
Walang laman ang passbook?
Inaamag pa rin ang alkansya?
Imagine 5 -10 – 15 – 20 years nagpapakapagod
pero nauwi pa rin tayo
sa utang at kagipitan?
What happened to us my friend?
Bakit tayo umabot sa ganito?
Alam ba natin ang rason?
Alam pero walang pakialam o
may pakialam pero hindi ginawang priority?
We can’t remain innocent forever
especially kung pera, pamilya,
at buhay na natin ang
pinag-uusapan at naapektuhan.
Isa-isahin natin para naman
malaman natin ang ugat.
Para starting NOW…
masimulan na ‘yang pag-iipon na ‘yan
ng walang atrasan.
Anu ano nga ba ang posibleng dahilan?
ANG HILIG NATIN SA UPGRADE
(Photo from this Link)
Bagong labas na model ng cellphone, upgrade!
May usong damit, diretso sa mall, DV, o taytay!
Touchscreen na laptop, bili!
May bagong hairstyle at kulay ng buhok, takbo sa parlor!
Lahat kasi sinusubukan natin.
Ayaw natin magpahuli.
Kahit na ipangutang pa at
matali for 12 months 0% interest,
magkaro’n lang ng latest.
“Eh Chinkee, 0% naman!”
“Kikitain ko din naman yan.”
Point is, kung nag swipe tayo ng P40,000
para sa isang gadget o gumasta tayo
para sa pag-uupgrade, dapat may
nakahanda tayong pambayad para doon.
Kung wala at saktong sakto lang
ang ating kinikita, yun bang hindi
alam paano babayaran,
tapos kumuha pa tayo ng dagdag na gastusin,
papaano na tayo n’yan, KaChink?
Tiyak wala nga tayo maitatabi.
Worst, utang pa.
MAHILIG MATULOG
(Photo from this Link)
Take note ah, iba ang magpahinga
sa mahilig matulog.
Mahilig matulog yu’n yung
kakagising lang, kakain, tulog uli.
Hanggang sa naging cycle na kaya tuloy
wala ng nagagawa.
Imbis na kumikilos tayo para kumita,
pwedeng mag sideline, magbenta,
maghanap ng additional income,
nawala na yung opportunity dahil…
TULOG TAYO.
Kapag…
- Tinamad at tutulog-tulog, walang trabaho.
- Walang trabaho, walang kikitain.
- Pag walang kikitain, walang iipunin.
DAIG PA ANG PCSO AT CARITAS SA PAGTULONG
(Photo from this Link)
Kada sweldo bigay sa kamag-anak!
May magmakaawa lang, mas mabilis pa
sa alas kwatro, makapagbigay lang.
Kapag nabola, bibigyan kaagad ng jacket…
Este, ng pera.
Ang definition kasi natin ng tulong:
“Okay lang mawalan ako.”
“Hindi ko na alam, eh ubos eh.”
“Bahala na, babayaran naman daw nila ako.”
Ang tulong, it should be an EXTRA that we have.
Ito yung pagkatapos natin maibawas
ang ating desired ipon at personal na obligasyon,
at may extra pa…then go…help.
Huwag natin ihuli ang ating sarili
kasi kapag dumating yung oras
na tayo naman ang nangailangan
or may dumating na MAS hindi inaasahan
sa atin o sa ating pamilya
wala na tayong mabunot.
Remember, hindi tayo nagdadamot,
Nagiging wais lang.
“Huwag nating hayaang dumating ang araw na trabaho ng trabaho tapos ending ay walang ipon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ilang taon ka na nagtatrabaho?
- May ipon ka na ba o wala pa din? Bakit?
- Paano mo masisimulan ito?
=====================================================
IPON DIARY:
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BAKIT UBOS KAAGAD ANG SWELDO?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2JaTANW
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.